36:The Aftermath

509 23 6
                                        




Klyx's POV






Hinayaan ko muna sila Kate, Seren at Zyl na kamustahin si Amethyst sa loob ng bodega. Lumabas ako sa butas na pinagsabugan ko kanina at sumalubong sa akin sila Kazumi na naghihintay sa labas.







Tinanggal ko ang gloves na suot ko at binato iyon sa pagmumukha ni Chester. "Kahit gabi na lumilitaw pa rin ang kapangitan mo."







"Huwag ka naman masyadong honest, Klyx." Natatawang panggatong ni Dein sa akin pagkalapit ko sa kanila.







"Galing mo, 'tol! Paano mo nahanap 'to? Tago itong bodega ah!" Tinanggal ko ang cap ko bago lumingon sa bodega kung nasaan ang mga babae. Luminga ako sa paligid at puro puno lang talaga ang maaaninag mo. May kalayuan ito sa tatlong naglalakihang gusali ng SGO at mahihirapan ka talagang hanapin lalo na kung hindi ka pamilyar sa lugar.







Marahas kong sinuot kay Kazumi ang cap ko bago ayusin ang sariling buhok. "Bago ka sumugod sa isang laban, dapat may sapat ka munang kaalaman sa lugar." Kabisado ko ang bawat sulok ng SGO. "Sila Master? Nasa SG building ba?"







"Oo. Nandoon din yung mga magulang namin at mga grandparents naten." Sagot ni Jythe.







Siguro bumalik na roon si Tito Zack pagkatapos nya kaming iwan ni Amethyst. Kaya rin siguro nakapunta ang mga 'to dito dahil binalita na ni Tito Zack sa kanila ang nangyari.







"Ang daming sugatan, Klyx. Inubos mo yata sila eh." Pagbabalita sa akin ni Dein habang inaayos ko ang isa kong baril.







Tumingin ako sa kanya. "Kamusta sila?"







"Ginagamot na."







"Mabuti naman," Umayos ako ng tayo nang mamataan ko sila Kate na palabas na ng bodega. Tumingin ako kay Amethyst na nakangiti nang nakikipag-usap sa kanila. I felt relieved when I see those smiles again. "Ayokong makapatay habang nililigtas sya. Hindi pa sya ganoon kaimportante." Pagsabi ko ng totoo. Saka na.







Nagtama ang paningin naming dalawa habang papalapit sila sa pwesto namin. Nakapamulsa ko syang tiningnan. Wala naman syang galos, mukhang totoo nga ang sinabi ni tito na hindi sya nito pinarusahan. Should I be happy for that?







"Uy, Amethyst! Buti buhay ka pa!" Lumapit si Chester kay Amethyst.







Ngumiti sya nang malawak dito. "Syempre naman, Chester! Bato yata 'tong kausap mo. Mahirap akong tibagin 'no!"







"Gaano kahirap, Amethyst?" Panghahamon ni Jythe habang natatawa sa kanyang kakulitan.







"Mahirap pa sa mahirap!" Sigaw nya. "Isipin mo na lang kunghare na ireretoke ko yung mukha ni Kazumi. Ganon kahirap! Hahaha!"







"Anak ng! Pati ba naman ikaw?"







Bilib din ako sa isang 'to eh. Imbis na matakot sya ay mas mukhang natutuwa pa syang nahuhuli sya. Gusto yata nito ang amoy ng kulungan.







"Deeeein! Si Tiger, Dein! Baka nag-aalala na iyon sa akin!"







"Don't worry, Amethyst. Pinuntahan ko na sya kanina para sabihin na nasa mabuti kang kamay."







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon