Amethyst's POV
Ilang beses akong napakurap ng mata. Simula kaninang paggising ko, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng panghihina. Pakiramdam ko ay gusto kong maupo dahil hindi ko kinaya ang sinabi ni parekoy.
Ano bang..
"Base sa reaksyon mo, hindi ka pa rin naniniwala." Muli akong napatingin sa kanya. Bahagya syang ngumuso at tumingala at maya maya'y bumuntong-hininga. "Sa bagay.. nakakagulat nga naman talagang ganito kagwapo yung magkakagusto sayo." Pumirmi ang mata nya sa akin at ngumiti. Yung ngiting mas pinapalutang ang kagwapuhan nya. Hala, ang puso.
Tumingin ako sa fountain na nasa likuran nya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa malalalim nyang mga mata. Masyado ako noong nilulunod at dinadala sa ibang dimensyon. "H-hindi k-ko.." Humigpit ang hawak ko sa telepono nya. Napatingin ako roon at sa isang iglap lang, nangilid ang aking mga luha. "H-hindi ko alam kung paano ka paniniwalaan.." Bumagsak ang luha ko sa harap nya. Hindi ko magawang matuwa sa sinabi nya. Hindi ko kayang paniwalaan. Paano ko sya paniniwalaan? Kung gayong nasa isang laro kami. "Hindi ko a-alam kung parte.. k-kung parte pa rin ba ito nang paglalaro mo.. ayokong umasa kaya ang hirap.. t-talo na ako oh, hindi ko kayang manalo sayo. Kaya p-pakiusap lang.. huwag mo naman akong pahirapan nang ganito.." Humikbi ako. Hindi ko sya maaninag nang malinaw dahil sa mga luha ko pero alam kong nakatitig sya sa akin. Pinagmamasdan ang mga kilos ko.
Hindi kita kayang paniwalaan parekoy kasi alam ko kung gaano ka kabihasa sa larangang ito. Hindi ko kayang tanggapin ang mga sinabi mo dahil baka naglalaro ka pa rin. Naglalaro ka kung saan ang kalaban mo ay talo na.
Bumuntong-hininga sya at ganon na lang ang pagkagulat ko nang makita ko kung gaano na sya kalapit sa akin sa isang iglap! "A-anong–" Bago ko pa man matanong kung ano ang binabalak nyang gawin ay naramdaman ko na ang kanyang kamay na dumapo sa aking pisngi.
"Tinanggal ko muna ang laro bago ko napagdesisyunang umamin sayo kasi ayokong isipin mo na yung nararamdaman ko ay parte pa rin nang paglalaro ko. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para mapabilis ang pagtanggal no'n.." Pinunasan nya ang mga luha ko. Hindi ko nagawang kumilos at nakakatawang parang nanigas ako sa aking kinatatayuan. "Sabihin mo sa akin Amethyst," Hinawakan nya ang aking baba at inangat ang aking mukha dahilan para magtama ang paningin naming dalawa. "Ano bang dapat kong gawin para paniwalaan mo ako?" Nababasa ko ang sinseridad sa mga mata nya. Bakas ang pagsusumamo sa kanyang mukha.
Napaiwas ako ng tingin at bahagya syang nilayuan. Kahit wala ka nang sabihin, sa emosyon mo pa lang ay naniniwala na ako.
Jusko, bato! Ang rupok!
"A-ang sabi mo, p-parusa ang matatanggap ko dahil umamin ako sayo." Muli ko syang tiningnan. Tinatagan ko ang loob ko kahit tingin nya palang ay nagagawa na akong pahinain. "Parusa ang inaasahan kong matatanggap ko ngayon, prinsipe, hindi y-yung sinabi mo." Aaminin ko na may magandang naidulot ang sinabi nya kanina sa aking sistema. Kabadong-kabado ako nung hinila nya ako palabas sa pag-aakalang ito na yung araw na kahaharapin ko ang parusang sinabi nya sa akin noon. Ngunit iba ang natanggap ko ngayon.
Parang bata syang tumingala. Sa posisyong iyon ay parang iniisip nya kung may sinabi ba syang ganoon. "Parusa ba yung sinabi ko?"
Umurong bigla ang luha ko kasabay nang pagkunot ng aking noo. Aba'y. Pinagmukha nya pa akong sinungaling! "Oo!" Bigla ay naibulalas ko. Mukhang nagulat sya. "Ang sabi mo pa nga, ako ang makakatanggap ng pinakamabigat na parusa dahil ako ang kauna-unahang babaeng naglakas loob na umamin mismo sa harapan mo eh!" Humahangos ako pagkatapos kong magsalita. Hindi ko naiwasang hindi mapanguso. Ang lakas ng loob nyang kalimutan yon! Eh halos bangungutin nga ako araw-araw dahil do'n!
BINABASA MO ANG
Game of Love
Fiksi PenggemarElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton
