Klyx's POV
"Ah ganon, hindi kayo sasayaw?" Tumayo ako at pumunta sa table ko at binuksan ang drawer non. Tumingin ako sa kanila habang kinakasa ko ang baril. "Sayaw." Madiin na utos ko.
"TAENA NAMAN KLYX WALANG GANYANAN!" Nagsitayuan agad sina Chester at Kazumi. "Eto na! Eto na! Advance mag-isip kasi putang*na eh!"
Ngumisi ako bago umupo sa table ko pero hawak ko pa rin yung baril. Yeah. May baril ako rito sa HQ. Lahat naman yata kami. Maliban lang sa mga babae. Incase of emergency naman kasi. Sa totoo lang hindi namin ito pwedeng gamitin nang walang pahintulot. Pinapayagan kaming magdala dahil nga sa maharlika kami ngunit mahigpit pa rin ang pagbabawal sa amin na gamitin ito nang basta-basta lang.
Dalawang subject ang vacant dahil may meeting ang mga teacher kaya tambay ang mga 'to sa HQ. Nagkayayaang maglaro ng walang kasawaang 30 seconds and guess what? Natalo na naman sila Kazumi. Magkakampi na naman kasi sila ni Chester.
"Sexy dance mga 'pre ha." Sumipol si Dein na kakampi ko. Nakaupo sya sa lapag habang yung dalawa ay nakatayo. Sila Kate naman ay pumuntang Cafeteria dahil sila ang bumili ng pagkain namin.
Pinalo ni Chester si Kazumi ng malakas sa likod. "Pahamak ka talagang unggoy ka eh! Eiffel shower amputa! Tower yun ugok! Epekto ng hindi mo pakikinig sa klase yan eh. Sigeng kulangot lang kase amputang ina!" Halos lumabas na yung litid ni Chester kakasigaw. I laughed at them. Palagi na lang silang hindi nagkakasundo. Hinihintay ko ngang magpatayan na lang sila para tapos na.
"Eh sa magkatunog eh! Kasalanan ko ha? Kasalanan ko? Kasalanan yun nang gumawa ng word!"
Nanisi pa ang unggoy. "Sayaw na." Kunyaring nagtitimping sabi ko. Agad naman silang nagsi-ayos. Sobrang busangot ng mukha nila nung magsimula silang sumayaw.
Tinago ko ang tawa ko sa aking kamao. Hah. Losers.
I almost screamed while laughing when Kazumi and Chester started dancing like an idiot. They dance this twerk style in a disgusting way as if they really know the steps.
"Pfffft. Hahahaha." Pigil na pigil namin ni Dein ang tawa namin dahil sa kagaguhan na pinaggagawa nila. Napansin yata nila yon kasi bigla silang huminto.
Agad na bumusangot si Kazumi. "Tang*na! Okay na yon! Ginagawa nyo lang kaming gago rito eh!" Lalo syang sumimangot bago bumaling kay Chester. "Shit, pare nawala dignidad ko!"
"Babawi kami sa inyo kala nyo ha! Babawi kami!"
Bumukas ng malakas ang pinto ng HQ. Pumasok si Jythe na pasipol-sipol pa. "Mukhang nagkakasiyahan ah." Bati nya sa amin bago isinara ang pinto.
Pero biglang may pumigil non. Naitago ko tuloy ng mabilis ang baril ko. "JYTHE! S-SANDALI N-NAMAN OH.. B-BAKIT.. B-BAKIT NAMAN GANON, JYTHE?"
Tumaas ang isang kilay ko sa babaeng halos mangiyak-ngiyak na nakatayo sa labas ng pintuan. Nag-indian sit ako sa table at nakapanghalumbabang pinanood ang eksena sa harapan ko.
"Sinundan mo pa talaga ako?" Walang halong gulat ang boses ni Jythe. "Saka sino ka ba para paliwanagan ko?"
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton
