33. The Training

530 23 4
                                        



Third Person's POV






Katulad ng palaging bumubungad sa HQ nila, nakaupo na naman sa lapag sina Jythe, Dein, Kazumi at Chester habang naglalaro ng mahal na mahal nilang 30 seconds.







Mabilis na kumuha ng card si Jythe sa 'OUT' at mabilis na pinag-aralan ang mga nakasulat sa parteng kulay asul. "Tawag sa tubig na nasa desyerto?" Pagpapahula ni Jythe kay Dein na kakampi nya.







Prenteng hinipan ni Dein ang kanyang mga kuko bago sumagot. "Oasis." Mayabang na ani nito.







"1 point! Next, next! Asawa ng hari?" Prente lang ding pagpapahula ni Jythe.







"Queen." Nakangisi lang ang dalawa na animo'y bihasang-bihasa na sa larong iyon dahil hindi sila kakakitaan ng pagpapanic hindi katulad ng dalawang nanonood sa kanila na tahimik na sinusumpa sina Jythe.







"5 points! Hooo, EZY!" Binaba ni Jythe ang card na hawak nya matapos pahulaan ang lahat ng mga nakasulat doon at mayabang na ginalaw ang kanilang pato. "Haha! Punyetang yan, makakahabol pa ba yang pato nyo?" Pang-aasar nito sa pato nila Kazumi na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakaalis sa pinakasimula.







Tinapik ni Chester ang daliri ni Jythe na nakaturo sa pato nila. "Huwag mo nga syang ituro ng ganyan! Baka biglang gumalaw at umalis edi puta wala na kaming pato!"







Sumipol si Dein na kanina pa cool na cool sa paglalaro. "Baka nga kayo pa ang paalisin nyan kasi mga wala kayong kwentang kalaro."







Natawa na lang sila Jythe nang magsimulang maglabasan na naman ng baho ang dalawa. Sa tuwing natatalo sila ay palagi na lang silang ganoon kaya sanay na sina Dein.







Sabay sabay silang napatingin sa pinto nang pumasok ang tatlong prinsesa ng Primes. May hawak na mga tarpaulin si Kate habang isang malaking box na naglalaman ng mga kagamitang pang-arts ang kay Seren. Huling pumasok si Zyl na busy sa hawak nyang folder kung saan nakasulat ang mga list of players para sa huling sport na gaganapin sa linggong ito. Ang Archery.







Pabagsak na binaba ni Seren ang box na hawak nya at nakapameywang na tiningnan ang apat na lalaki na hindi man lang kumilos sa pwesto nila. "Alam kong magaganda kami at namamangha kayo pero tama ba na panoorin nyo lang kami na magbitbit ng mga 'to?" Mataray na sinipa nya ng mahina ang box.







"Alam kong mga gwapo kami at namamangha kayo pero tama ba na sipain mo ang walang kamuwang-muwang na kahon na 'to?" Panggagaya ni Kazumi kay Seren at madrama pang niyakap ang box na nasa ibaba. "Ang sama mo talagang monster ka." Pang-aasar ni Kazumi pero nakatanggap sya ng isang malupit na sipa galing kay Seren. "Aray, aray! Wait-- aww! Aww! Tama na Seren, jusko! Ang bata! Baka malaglag ang bata! Aaaah--HAHAHA!" Akala mo kung sinong baliw si Kazumi na umarte pang buntis sa kalagitnaan nang pananakit sa kanya ni Seren.







"Alam kong bakla ka pero gunggong wala kang matres!" Pambabara naman sa kanya ni Seren. Napailing na lang sina Kate at Zyl habang tumayo naman sina Dein, Jythe at nakisama naman sa pangbubugbog kay Kazumi si Chester.







Lumapit si Jythe kay Zyl. "Busy naman ni Sexytary." Panggogoyo nito.







"Always namang busy ang mga masisipag." Simpleng sabi ni Zyl na nakapagpatawa kay Kate.







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon