14: The Bond

483 21 0
                                        



Third Person's POV







"W-WEH?! D-DYAN TALAGA?!" Hindi makapaniwalang tinuro ni Amethyst ang magarbong restaurant na nasa harap nya. Sa Van sya sumakay kasama ng mga kawal habang si Klyx naman ay sa sariling kotse papunta roon. "Eh balita ko ang mahal dyan eh!" Sigaw nya.







Tiningnan lang sya ni Klyx bago pumasok sa loob. Hindi pa rin sya makapaniwalang sumunod sa prinsipe. "M-mahal na prinsipe! K-kayo po pala." Yumuko ang gwardya pagkadaan ni Klyx. Pero nung sya na ang tumapat sa entrance ay bigla na lang syang hinarangan nito. "Miss, bawal kayo rito." Sabi ng guard bago sya pasadahan ng tingin. Nakaleggings pa rin kasi sya at puting t-shirt. Medyo marumi na iyon dahil sa nangyari sa kanya ngayong araw.







"Aba'y, kuya grabe ah! Wala namang nakalagay sa labas na bawal ang mga magaganda ah." Pagdepensa ni Amethyst.







Napalingon sa kanila si Klyx. "Kasama ko sya." Simpleng sabi nya sa gwardya kaya napapahiya itong yumuko at humingi ng tawad.







Pagpasok nila sa loob, hindi napigilan ni Amethyst ang sariling mamangha sa ganda ng lugar. "Pucha! Kaya naman pala mahal.. ang ganda rito!" Namamangha nyang bulalas. "Pero bakit walang tao?" Pansin nya sa paligid dahil mga bakanteng lamesa at upuan lang ang nakikita nya. Walang mga nakaupo.







"Darating kasi ako." Naunang umupo si Klyx sa upuan at ginawang komportable ang sarili. Nilibot nya ang paningin para sana hanapin ang mga waiter o waitress ngunit wala syang nakita. Napabuntong-hininga sya. Naghahanda na naman siguro ang mga yon dahil prinsipe ang dumalaw sa resto nila. Ito ang ayaw nya sa labas. May special treatment.







Umupo si Amethyst sa katapat na upuan ng prinsipe. Napangiti sya sa lambot ng upuan. "Kakain na ba tayo? Gusto mo tawagin ko na yung mga kawal sa labas?" Magalang na tanong nya sa kaharap. Naiwan kasi sa labas yung mga kawal.







Tumingin sa wrist watch nya si Klyx at nakahalukipkip na sumandal sa sandalan. "Hindi na. Pinaalis ko na sila."







"Ha? Bakit naman? Hindi mo ba sila papakainin? Saka sino nang magbabantay sayo nyan?"







"Mas kailangan sila sa palasyo dahil naroroon ang hari at reyna pati yung iba kong kapatid."







"Paano ka naman?"







"Kaya ko ang sarili ko."







"Weh? Hindi nga? Wala ka namang dalang baril eh!" Nag-effort pa talaga itong tumayo para silipin kung may dala bang armas si Klyx.






Napairap sa hangin si Klyx. "Wala talaga syang utak." Bulong nya.







Uminom muna ng tubig si Amethyst dahil iyon pa lang yung available na nakalagay sa lamesa nila.







Pinapanood lang sya ni Klyx. "Yung totoo. Taga-rito ka ba talaga?" Usisa nito. Nagtataka kasi sya bakit parang hindi nito kilala ang mga mahaharlika. Pati ang history ng bansa parang wala syang kaalam-alam. Pero sa bagay, wala naman daw kasi syang utak.







Nabuga tuloy ni Amethyst ang iniinom nya. "P-patawad!" Agad nyang pinunasan ang natapong tubig. "N-nakakagulat lang po kasi yung t-tinanong nyo.. hehe.." Pinagpapawisan at nauutal na aniya.







Game of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon