Klyx's POV
"Mahal na prinsipe, narito na po ang kotse nyo." Nagpasalamat ako sa butler ko na inutusan kong kumuha ng kulay itim kong Lambo sa garage. Yumuko sya sa akin bago umalis. Nasa may fountain kami banda. Pinaikot-ikot ko ang susi no'n sa aking hintuturo habang sinusuri ang aking kotse. Wala namang problema kaya safe sya.
Lumingon ako sa kanya. "Pwede ka nang sumakay."
Pero imbis na kumilos sya, binigyan nya lang ako nang nagtatakang tingin. "Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?"
Sinalo ko ang susi ko at tinanggal ang kamay ko sa pagkakapamulsa. "I'm a prince. Ako ang pinagsisilbihan at masyado akong tamad para pagsilbihan ka." I don't want to be rude to her but that's me.. kahit kay Amethyst ganito ang pakikitungo ko sa kanya nung una. Nagbago nga lang ngayon.
Ngumuso sya bago naglakad papunta sa kotse ko. "Sama ng ugali." Rinig ko pang bulong nya bago sya pumasok sa loob.
Sumingkit ang mata ko sa sinabi nya. Hindi dahil nainis ako kundi dahil naalala ko yung babaeng yon.
Kinuha ko ang phone ko sa loob ng aking coat. Tumingin muna ako kay Marlborette na nakaupo lang sa loob ng kotse ko bago idial ang number ni Amethyst. I waited for her to answer the phone. How I wish she already knew how to answer a phone call.
Nilagay ko ang isa kong kamay sa aking beywang nang huminto na ang pag-ring. Senyales na sinagot na nya ang tawag. [Hindi 'to holdaper, tigre ah?-- teka, hello? Hello po? Sino po sila?]
Natawa ako nang bahagya sa sinabi nya. Holdaper sa phone call? Seryoso yon? "Buti naman hindi ka naging bobo banda sa pagsagot ng tawag ko." Pang-aasar agad na bungad ko. Wala lang. Trip ko sya ngayon.
[ABA TIGRE MAY NAGSALITA NGA!] Sigaw nya sa kabilang linya. [Hala ang galing!] Wala nga talaga syang alam. Wala ring utak. Hay nako.
"Nakakahiya ka." Sa totoo lang, nakakatuwa dapat yun.
[Ano?! Walang hiya ako?! Aba– HAHAHAHAHA MAY TAMA KA DYAN! TEKA SINO BA 'TO?!] Nakakainsulto naman yatang hindi nya alam ang boses ko?
Sumingkit ang aking mga mata habang nakatingin sa kawalan. Iniimagine ko sa hangin ang itsura nya at natatawa ako. Muntanga kasi. "Gusto mo bang maparusahan?"
Bigla syang natahimik. Muli ay natawa na naman ako dahil alam kong nanlalaki na naman ang mga mata nya. [Tigre hindi mo naman sinabi na ang p-prinsipe pala ito!] Hindi nya siguro alam na naririnig ko pa rin sya? (H-hello, parekoy? Hehe. Uhm.. Magandang umaga!)
"Tsk." Napangiti ako. "Magandang umaga rin." Pagbati ko pabalik. Good mood, Klyx ah?
Natahimik na naman ang nasa kabilang linya. Ang dalas nya yatang tumahimik ngayon. [M-maganda yata a-ang gising mo ngayon, parekoy?]
"Uhmm.." Tumingala ako sa langit. "Maganda nga. Nasira lang nung nakausap kita."
[Ang sama! Ikaw kaya ang unang tumawag sa akin!] Alam ko.
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton
