Amethyst's POV
Nagkatinginan kami ni tigre habang nakaupo kami sa isang malambot na upuan. Nakaharap kami sa kanya-kanyang salamin at maraming pang-kolorete sa mukha ang nakalatag sa aming harapan. Napahawak ako sa bathrobe na suot ko habang pinapanood ang mga tao na nakatayo sa aming likuran ni tigre.
"Noa gurl ikaw ang sa buhok. Bonggahan mo 'te ah? Dapat kabog yan! Mizu, ikaw ang bahala sa pedicure at manicure nila. Dapat yung colorful HAHAHA! Pang-LGBTQ Community ganurn! Tapos ikaw Cristina at Sofia, kayong bahala magprepare ng dress ng dalawang itech! Cherry boom boom paw, ikaw ang sa shoes 'te! Yung killer heels para bonggalacious! Tapos si Julia, akech, Mikee at si Evelyn gurl, kami nang bahala sa make-up. Hihi! Omg, kaming bahala sa inyo, mga bebe!" Sunod-sunod na pag-utos ni Tita Genemy sa iba pang tita ni parekoy. Wala akong naintindihan sa mga sinabi ni Tita Genemy bukod sa mga pangalan nila.
Pagkagising namin kanina ni tigre, agad-agaran nila kaming pinaligo. At hindi normal na ligo iyon dahil yung tubig namin eh gatas! Jusko! Isang oras yata kaming nagtagal sa banyo! Pagkatapos n'on dinala nila kami rito sa isang malawak na kwartong ito. Pang-babae ang datingan dahil kompleto ang mga gamit! Maging yung disenyo sa loob ay pambabae. Kanino kaya ito?
"T-tita," Napalunok ako bago tingnan sa salamin si Tita Genemy na nagsisimula nang ayusin ang buhok ko. Silang dalawa ni Tita Julia ang nag-aayos sa akin habang kay tigre naman ay sina Tita Mikee at Tita Evelyn. "K-kami lang po ba ang aayusan nyo?"
"Oo naman, bebe gurl! Huwag mong intindihin ang ibang maharlika dahil may ibang mag-aasikaso sa mga yun! You know naman ang kamay ko ay nangangati nang humawak ng ibang feslak so dito muna akech sayo!" Ang lakas ng boses ni Tita Genemy.
"Kasama po ba nila si Tita Clyre?"
"Oo. Nando'n sila sa kabilang kwarto. Sila Klyx naman ay nasa bukod ding kwarto kasama ang ibang kalalakihan." Pagsagot sa akin ni Tita Julia.
Nahiya ako bigla habang pinapanood silang maghanda sa likuran ko. "Nakakahiya naman po.. naabala pa po namin kayo eh hindi naman po ninyo kami kaano-ano."
"Ba't ka naman mahihiya?" Napalingon ako kay Tita Evelyn na tatawa-tawang nagsabi n'on. "Huwag ka nang mahiya. Ganyan din ako nung unang dinala ako rito ni Drex pero kita mo tinuring agad nila akong kapamilya."
"She's right." Tatango-tangong sabi ni Tita Mikee. "Gano'n kasi ang nakasanayan ng maharlika. Kapag nakilala ka na nila, matik na kabilang ka na sa kanilang pamilya."
"Kaya kayong dalawa ni Tiger," Saad ni Tita Julia at sumimple pa ng tingin kay tigre. "Pamilya na namin kayo."
Tigre..
"I-isa pong karangalan sa amin iyon nitong hayop kong kaibigan!" Masiglang sabi ko. Totoo naman. "Maraming maraming salamat po sa inyo! Dumami po ang tita kong mahihingan ko ng pera sa pasko! HAHAHA!" Natawa silang lahat sa biro ko. Nakahinga ako nang maluwag. "Biro lang po! Haha pero 'di rin naman po ako tatanggi kung seseryosohin nyo."
"Patawa ka talagang bata ka." Naiiling na sabi ni Tita Mizu sa akin.
"So, let's start?" Senyas ni Tita Genemy. Kinakabahan kong pinagmasdan ang itsura ko sa salamin. Ano kayang magiging itsura ko pagtapos nito? Magugustuhan pa rin kaya ako ni parekoy?

BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton