[Play the music: Gabi - Sugarcane]
Amethyst's POV
Bago pa sya makasagot ay tumayo na ako. Naging dahan-dahan ang pagtayo ni parekoy. Hindi ko mawari sa ekspresyon ng mukha nya kung nagulat ba sya sa sinabi ko, o nainis, o nagalit. Blangko pa rin kasi iyon hanggang ngayon.
Inilagay ko sa palad nya ang panyo. "Ngayong nakilala mo na ako.. may hihingin sana akong pabor sayo." Mabilis na nangilid ang luha ko habang hawak ang kamay nya. "H-huwag mong ipagkait sa sarili mo ang karapatang s-sumaya.. kung sakali mang h-hindi na tayo magkita ulit.. buksan mo ang p-puso mo para sa ibang b-babaeng gustong pumasok dyan–" Nahinto ako sa pagsasalita nang sumakit ang aking lalamunan sa pagpipigil na humikbi. Tuloy-tuloy ang naging pagtulo ng luha ko na mabilis ding natutuyo dahil sa malakas na hangin. "H-huwag kang matakot na m-magmahal ulit, K-klyx.. huwag mong isara ang puso mo sa oras na mawala ako.. patawad kung hindi kita masasamahan hanggang sa dulo.. p-patawad.." Halos mapayuko ako sa kamay nyang hawak ko sa sobrang pag-iyak. Hindi ko matanggap ang mga sinabi ko.
Ang sakit sakit sakit sabihin n'on. Gusto kong bawiin kasi gusto ko ako lang. Ako lang dapat ang makasama nya. Ako lang dapat ang mahalin nya. Ako lang dapat at wala ng iba.. pero hindi ko sya pwedeng itali sa akin dahil alam ko sa sarili ko na sa oras na umuwi ako ay magiging mahirap na para sa akin ang mabuhay. At ayoko syang maghintay sa wala. Kaya kahit masakit.. kahit na masakit ay kailangan ko syang palayain.
Nahawakan ko ng maghigpit ang kamay ni parekoy. Inangat ko iyon at inihawak sa aking pisngi. Patuloy ako sa pagluha, hagulgol kung hagulgol. Sa pagkakataong 'to ay walang magawa ang dagat at ang buwan upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Dahil ang pagpapalaya kay parekoy ay katumbas nang pagkamatay ng kalahati sa aking pagkatao.
Naging mabigat ang paghinga nya. Kahit nanlalabo ang mata ay pinilit ko syang inaninag. Madilim ang mukha ni parekoy, masamang-masama ang tingin sa kawalan at halatang nagpipigil na magalit. Kaya gano'n na lang ang takot ko nang magtama ang aming paningin.
"Anong bang sinasabi mo?" Mariing tanong nya at seryosong-seryoso.
Pilit akong ngumiti at lumapit kay parekoy. Ibinaba ko ang kamay nyang hawak ko at gamit ang isang kamay ay hinawakan ko ang kanyang pisngi.
"Mahal na mahal na mahal kita, Klyx.." Inihawak ko ang parehong palad sa mukha nya nang hindi makapagpigil. Ang bugso ng aking damdamin ay mas lalong tumitindi. "At dahil m-mahal kita," Napalunok ako nang pumiyok. Ang sakit sakit na sa dibdib. "At dahil mahal kita, parekoy.." Lumuluha akong ngumiti sa kanya. Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata. At dahil mahal na mahal na mahal kita.. "Pinapalaya na kita."
Kailangan kitang palayain.
"W-what.. the fuck?!"
Bulalas nya na syang ikinagulat ko.
"What the fuck are you saying, Amethyst?!" Hindi ko inaasahang gano'n kabilis tutulo ang luha ni parekoy. Sa gulat ay hindi ko alam kung ano ang gagawin lalo na nung magtuloy-tuloy sa pag-agos iyon. "How can you say that, huh? How can you say that!"
Natitigilan kong naibaba ang parehong kamay na nakahawak sa kanyang pisngi. Pinanood ko syang ilagay ang dalawang daliri sa mata na para bang sa ganoong paraan nyang mapipigilan ang pagtulo ng luha do'n. Ang kabilang kamay naman ay naihawak nya sa kanyang beywang. Pilit nyang pinapakalma ang sarili pero tintraydor sya ng kanyang luha.

BINABASA MO ANG
Game of Love
Hayran KurguElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton