44: The Command

459 29 16
                                        




Third Person's POV






"Bakit mo pa kailangang magsinungaling kung maaari mo namang sabihin ang totoo?" Ibinaba ni Nanay Miring ang kutsara sa lamesa matapos nyang magtimpla. Inilapag nya sa harap ni Amethyst ang isang tasa ng gatas. "Sa akin ka pa ba magsisinungaling, bato?" Umupong muli si Nanay Miring sa upuan na nasa harap ni Amethyst.







Mugtong-mugto na ang mata ng dalaga. Kanina pa sya umiiyak. Hindi na nya nagawang ipagpatuloy pa ang buong araw ng kanyang pasok matapos ang pangyayaring iyon. Dumiretso agad sya sa taong alam nyang makakatulong sa kanya.







Ang nanay nya sa lugar na iyon.







"Sabe ko nga 'nay hindi na eh.." Mahinang natawa si Amethyst at pasimpleng suminghot. "Ang talas ng pakiramdam nyo para po sa isang matanda." Biro nya pa.







"Pasalamat ka may problema ka ngayon," Ngumiti si Nanay Miring habang pinagmamasdan si bato na inumin ang kanyang itinimpla. "Aamin ka na ba sa akin?"







"N-nay naman.. pinapaiyak nyo ulit ako eh. Halata naman po hindi ba?"







"Edi ang prinsipe nga?" Tumango si Amethyst. "Nung araw na pinuntahan mo ako at nagtanong ka tungkol sa pag-ibig.. alam mo bang alam kong ikaw at ang prinsipe ang tinutukoy mo no'n?" Nagulat si Amethyst sa pag-amin ng kanyang nanay.







"Paano, 'nay?"







"Iba ang nangyayari kapag ang puso mo na ang nagsasalita, bato." Nilabas ni Nanay Miring ang mahiwaga nyang mansanas. "Kumain ka."







Pinakalma ni Amethyst ang sarili at masaya na lamang na nakipagkwentuhan sa nanay nila habang kumakain ng mansanas na bigay nito. Sinusubukan nyang ilihis ang kanyang atensyon ngunit hindi nya maipagkakaila ang kirot na kanyang nadarama sa kaloob-looban nya sa tuwing maaalala nya ang nangyari kanina.







"NANAY MIRINNNNNNG!" Nagkatinginan silang dalawa sa pagsigaw na iyon. "NANAAAAAAAY! YUHOOOO! USO PONG MAGPAPASOK!"







"Eskandalosa talaga ang hayop natin." Sabay silang natawa sa tinurang iyon ni Nanay Miring bago sya tumayo para pagbuksan si tigre.







Nadako ang tingin ni Amethyst sa maliit na salamin. Napanguso sya nang makitang mugtong-mugto talaga ang kanyang mga mata. "Ang alam ko handa na ako eh.. pero iba pa rin pala talaga ang epekto mo." Huminga sya nang malalim bago isaksak sa bunganga ang hiniwa nyang mansanas.







"IMPAKTA!" Mabilis na lumapit si tigre kay bato. "Buti gumana si brain this time at dito mo naisipang pumunta sa bahay ni nanay!" Panglalait na bungad agad nito.







"Napakalma mo ako sa sinabi mo, grabe." Sarkastikong aniya pero kalaunan ay natawa rin. "NAY! Ang sama sa akin ni tigre!"







Umupo si Nanay Miring sa tabi ni Amethyst. "Anong masama ro'n, bato? Eh totoo naman ang mga sinabi nya ah." Natatawang pagsakay ni nanay.







Napanguso si Amethyst. "Sige magkampihan kayo! Sige! Nakakatulong kayong dalawa sa akin ngayon."







Nag-apir ang dalawa at pinagtawanan ang aping-aping mukha ni Amethyst.







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon