31: The Battle

471 25 17
                                        


Third Person's POV




Parang nawawalang bata ang itsura ni Amethyst na manghang-mangha sa pinagdalhan sa kanya ni Klyx. Tuwang-tuwa sya dahil nasa totoong couch daw sya nakaupo at ang ganda pa ng paligid nya. Sa sobrang ganda ng lugar, parang ayaw na nyang umalis dito. Sumasabog ang puso nya sa tuwa at kumikislap ang kanyang mga mata.







"Hindi kabanguhan ang bunganga mo para panatilihin mo iyang nakanganga." Klyx said while secretly laughing at Amethyst's face. Nagkunwari syang umingos ngunit hindi nya napigil ang ngiting pilit kumakawala sa kanyang mukha.







Naisara naman kaagad ni Amethyst ang bibig at tumingin kay Klyx. "Mas maganda pa 'tong lugar na 'to kesa sa ugali mo." Pambawi nya kaya napahinto sa pagtawa si Klyx at nangunot ang noo. "Teka, teka! Biro lang! Biro lang, parekoy!" Bawi nya rin kaagad dahil baka hindi pa raw sya nito ilibre.






"Gawin mong komportable yung sarili mo. Para kang tuod." Kanina pa kasi nakatuwid ng upo si Amethyst na para bang ayaw nyang gumalaw masyado dahil natatakot syang baka may masanggi sya at makapagbayad pa sya ng wala sa oras. "Hindi mo ba gusto rito?"







"HA?! SINONG NAGSABE?!" Todo ang panlalaki ng mata ni Amethyst. "Ako? Aayaw? Sus! Parekoy naman.. sa magagandang lugar dapat maganda rin yung pinapares! Kaya nga gustong-gusto ko rito eh, hahahaha!" Mabilis na nag-shift ang mood ni Amethyst. Kung kanina ay parang tuod sya, ngayon naman ay para syang kiti-kiti na likot nang likot sa upuan nya para mapatunayan lang kay Klyx na komportable sya rito.







Pinatong ni Klyx ang dalawang siko sa lamesa at ipinantakip ang kamao sa bibig. "Order na ba tayo? Gabi na rin kasi para maaga ka na ring makauwi."







Umayos ng upo si Amethyst at nagpalinga-linga sa paligid. "Kaya ba walang tao rito bukod sa atin kasi gabi na?" Kanina pa sya nagtataka dahil walang ibang customer sa pinagdalhang restaurant sa kanya ni Klyx bukod sa kanilang dalawa. "Hala! P-pangmatatalino lang ba 'tong lugar na 'to kaya walang tao? P-parekoy bawal ako rito!" Pagpapanic ni Amethyst.







"Dummy," Napangiti si Klyx. "Exclusive kasi itong lugar na 'to. Mga Elites lang ang pwede." Pagmamay-ari iyon ng tito nyang si Thorn.







"Edi hindi ako pwede rito kung ganon?"







"May kasama ka kasing Elites kaya salo kita." Doon napangiti si Amethyst.







"Naks. Sasaluhin mo na ba ako sa lahat ng oras?" Mapang-asar na tanong ni Amethyst.







Nawala ang maliit ng kurba sa labi ni Klyx. "Hindi. Ba't naman? Ang bigat-bigat mo." He snorted. Hindi nya maiwasang hindi seryosohin iyon kahit pa para sa dalaga ay isa lang iyong biro.







"Ay, grabe sya." Sumimangot si Amethyst pero agad din namang napangiti. "Pero bakit ganon.. kanina naman walang bumati sayo ah? Hindi ka naman binati ni manong guard na 'magandang gabi, Mahal na Prinsipe' ah?" Masyado syang naging busy kanina sa pagadmire sa lugar para ngayon lang iyon mapansin. "HALA! IBIG SABIHIN IPAPAKULONG MO RIN SYA?!" Naalala nya yung nangyari sa kanya nung minsang hindi nya ginalang ang prinsipe.







Kahit araw-araw naman talagang hindi nya ito ginagalang.







"Hindi 'no. Ba't naman?"







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon