29: The Duty

493 22 4
                                    



Klyx's POV






Inalalayan nila Chester si Zyl na umakyat sa folded stair para ayusin yung malaking tarpaulin sa gitna ng stage. Nasa ibaba ako habang sila ay abala sa pagde-design dahil kaonti na lang ang oras namin at matatapos na rin ang lunch time. Maya maya'y magsisimula na ang palaro kaya kailangan na naming magmadali.







"Pantay na ba, Klyx?" Tanong ni Zyl habang inaaangat ang kaliwang tali sa bandang taas.







"Ibaba mo ng konti.." Nakahawak sa babang sabi ko. "That's it." Pagkatapos nilang ayusin yun ay inalalayan nila syang bumaba.







"Excited na ako." Nakangiting pagsalubong ni Zyl sa akin pagkaakyat ko sa stage. Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok.







"Mahal na mahal mo talaga 'to eh 'no." Tinitigan ko sya. Napakaamo ng mukha nya.







"Syempre naman pinsan! Dugong Ashton at Emith yata ang dumadaloy sa katawan ko." Kumindat sya sa akin at tumawa.







Kung saka-sakali mang magmahal sina Kate, Zyl at Seren, hinihiling kong sa matino agad sila mapunta. Hindi ko kakayaning makita silang nasasaktan.







Sabay kaming lumapit kanila Seren at Kate na busy sa paggupit ng mga pinrint naming pictures kanina na may kinalaman sa limang sports. Ididikit namin iyon mamaya sa bawat gilid ng tarp. "Patulong ako ah?" Umupo si Zyl sa lapag at nakitulong na rin kanila Kate.







"Walang mangyayari kung titingnan mo lang ang kagandahan ko, kapatid. Tumulong ka kaya." Pagsita sa akin ni Kate at wala sa sariling natawa ako.







Ang taas ng confidence. "Tss. Liar."







Pinandilatan nya ako ng mata. "Ano?!"







"Wala," Pabiro akong yumuko. "Tutulong na nga po, mahal na prinsesa eh." Natatawa akong naglakad palayo sa kanila.







Tss. Of course that was a joke.







Lumapit ako kanila Chester at ganon na lang ang pagkunot ng noo ko nang makitang nagbabatuhan sila ng bola sa isa't isa. Bola iyon ng pang-basketball na gagamitin mamaya. "Kapag ako natamaan nyan, ihanda nyo na ang mga libingan nyo." Pagbabanta ko sa kanilang dalawa ni Kazumi. Tumalbog sa malayo ang bolang hinagis ni Kazumi kay Chester na nailagan nito. Naibaba naman bigla ni Chester yung bolang ibabato nya sana at inosente kunyaring dinrible na lang iyon.







"Yan oh! Si hapon!" Dinuro nya ang kaharap. "Kanina ko pa sya pinipigilan, mahal na prinsipe eh! Sabi ko sa kanya magdrible-drible na lang kami at 'wag nang magbatuhan kaso hindi nakinig!" Dagdag paninisi nya pa. Pinapamukhang inosente ang sarili kahit sa mukha pa lang ay mukha na syang kriminal. "Bait ko, Klyx ano? Sa sobrang bait ko nga ay nakalimang tama na ako sa pagmumukha nya. Bwhahaha!" Siraulo. Nilaglag ba naman ang sarili?







Natawa nang pagkalakas-lakas si Kazumi. Halatang nang-aasar. "At kailan pa naging sapul yung palya, chestilog?!"







"Simula nung ipanganak ako! Bwahaha!" Malakas din syang tumawa. "Este-- anong palya ka dyan?!" Saka nya lang narealize kung ano yung sinabi nya. Gunggong.







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon