Third Person's POV
"HAHAHAHAHA!" Sobrang lakas ng tawa ni Dein kay Klyx. "Putek! Hahaha! Patawa ka 'tol!" Pang-aasar pa nito habang nakahawak sa tyan nya at patuloy na tumatawa.
"Ano bang nakakatawa?" Naiinis na tanong ni Klyx dahil ilang minuto na rin itong tawa nang tawa. Umaasa sya na matutulungan sya ng unggoy nyang kaibigan pero tinawanan lang sya nito. "P*ta. Tawa pa sige, babarilin kitang unggoy ka."
Agad na natahimik si Dein pero halata ang pagpipigil nitong tumawa ulit. "Hindi uso ang teknolohiya kanila Tiger, bro. Wala silang cellphone. Kaya nga wala kaming ganoong komunikasyon ni Tiger eh."
"Wala syang cellphone? Edi ibig sabihin wala syang number." Naalala ni Klyx ang bahay nung dalawa. Wala nga pala itong telebisyon at sobrang plain lang ng pamumuhay ng mga ito. Short din sila sa pera kaya hindi talaga makakabili ang dalawa ng cellphone.
"Malamang 'tol. Magulat ka may number sya pero wala syang cellphone. BWUAHAHA!"
Inambahan ng suntok ni Klyx si Dein pero agad itong tumakbo paalis.
***
Kinabukasan ay sabay sabay na pumunta ang Primes sa SGO maliban sa mga babae.
Pumunta sila sa building ng SHAYDON at Dark Guild at agad na pumunta sa pinakataas. Sila Chester at Kazumi na ang bumabati sa mga tao dahil wala nga raw silang hiya.
Pagkarating sa taas ay naabutan nila ang mga tatay nila.
"PAPI KOOOOOO! MABUTI NAMAN NAISIPAN MONG UMUWI! PASALUBONG KO PAPIIII!" Patakbong lumapit si Kazumi na nag-ala bakla pa sa tatay nyang si Katsumi. Galing kasi itong Japan kasama ang mama nya. Dinalaw nito ang lolo't lola nya roon at hindi sya nakasama dahil nga sa may pasok sya.
"Sino ka?! Wala akong anak na kasing pangit mo!" Pang-aasar ni Katsumi sa anak.
"Papaaaaa! Kamusta 'pa?" Umupo si Chester sa tabi ng tatay nya na si Lester na umiinom ng juice. "Kamusta ang pangchichix?"
Napangisi si Lester. "Ayos naman." pagsakay nito sa trip ng anak.
"ABA, ABA! SUMBONG KITA KAY MAMA! NANGCHICHIX KA PALA AH!"
"Sumbong mo! Eh mas nanlalaki pa nga yung mama mo kesa sa akin eh." Pagtatampo ni Lester.
"LOSER KA PALA 'PA EH! HAHAHA WAG GANON!"
"ANAK!" Pagtawag ni JC sa anak nya. "COME TO PAPA ANAK KO!" Pabibiro ni JC na nakalahad pa ang kamay.
"Daddy ba kita?" Pagbibiro din ni Jythe. "Joke! Hahaha!" Lumapit sya rito at nakipagfist bomb.
Napapailing na lumapit sina Klyx at Dein sa mga magulang nila na nakaupo sa isang couch. Sila lang kasi ang may matitinong magulang.
"Hello, Tito Zack." Pagbati nilang dalawa kay Zack na tahimik lang na umiinom ng tequilla sa isang tabi. Tinanguan lang sila nito. "Oh?! Anakng.. buti hindi ka tinamad Tito Drex?" Tinawanan ni Klyx si Drex na prenteng nakaupo sa tabi ni Zack.
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton
