21: The Girlfriend

554 18 2
                                        



Amethyst's POV





Nagulat ako. "G-girlfriend?!" Tama ba yung narinig ko?! Anong..







ANONG KALOKOHAN YON?!







"Oo, girlfriend." Umirap sya. "Ano? Nabingi?" Wala ba syang balak ipaliwanag sa akin ang sinabi nya?! "Ikaw ang magiging girlfriend ko--"







"H-HA?!" Napaatras ako ng isang hakbang. "AYOKO! AYOKO!" Paulit-ulit akong umiling. "Ayoko sayo!" Ayoko syang maging boyfriend! Masama ugali nya eh! Huhu. Ako ang makakawawa sa aming dalawa. Ayoko syang kalaro! Delikado sabi ng prinsesa!







"Wow, ikaw pa nalugi?" Nilagay nya yung kamay nya sa bulsa ng pang-ibaba nyang suot. "At sino ka naman para tanggihan ako?" Bakit biglang napunta sa pangalan ko?! Nakalimutan nya ba?







"Hindi ko pa ba nasasabe sayo ang pangalan ko? Ang alam ko nasabi ko na eh! Paulit-ulit ka talaga!" Bata-bata pa ni parekoy ulyanin na!







Inirapan nya na naman ako. "Bob--"







Nanlaki ang mata ko. "BUNGANGA MO AH!" Kita nyo na, kita nyo na! Sama ng ugali dibaaaa! "Kaya ayoko sayo eh! Nagkakalat ka ng maling balita!"







Tumaas yung isang kilay nya. "Sige," Tumingin sya sa akin. "Papayagan kitang tanggihan ako kung masasagot mo 'tong tanong ko," Nanghahamon ang mga titig nya. "May boyfriend ka na ba?"







Pinapain nya ako! Alam ko! "W-wala pa!" Puchang larong yan!







"Alam mong nasa laro tayo." Sumeryoso sya. Bigla akong natakot. Weh? Tinanggihan ko lang naman sya! Huhu. Katakot si parekoy. Tulong naman oh. "Kayang-kaya kitang patawan ng parusa sa mga ginagawa mo sa akin. Yung pinakamatindi para magdala ka."







P-parusa? Agad-agad?! "Eh?! Mas lalong ayoko non!" Pati ba naman dito may parusa? Mas lalo akong umiling sa kanya. "Grabehan ka naman.." Ipapakulong nya na naman ako e!







Napairap sya. Napanguso naman ako.







Ano bang dapat kong piliin? Ang maparusahan o ang tanggihan sya? "Utos mo ba yon?" Tanong ko. Hindi nya ako sinagot. May naalala ako bigla. "Diba nga kasi.. hindi dapat sinusuway ang utos ng prinsipe.." Kapag utos nya yon, wala na talaga akong magagawa kahit gusto ko mang tumanggi. Sya pa rin ang masusunod dahil sya ang prinsipe at isang bagay pa, nasa laro nga naman kami. Ayoko rin namang maparusahan kasi mukhang seryoso sya sa sinabi nya kanina.







"Buti alam mo." Tumikhim sya. "Gagawin kitang girlfriend ko, payag ka?" Tanong nya. "Tandaan mo, utos ko yan." Nanakot pa!







Hindi naman sa marupok ah, pero.."Oo na!" Kailangan kong mabuhay!







Hanep bato.. unang paglalaro mo, prinsipe agad yung makakapareha mo. Ipinagmamalaki ka na siguro ng mga kauri mo ngayon. "Pero syempre dapat hindi lang ikaw yung makikinabang!" Dapat parehas kami. Ano sya, siniswerte?







"Ano kamo? Mapapakinabangan ba kita?" Ngumisi naman sya ngayon tanda ng pang-aasar.







"Hoy! Ang sama sama mo talaga ah! Alam mo parekoy, pagdating sa pag-ibig, nag-iiba ako. Sabe ko naman sayo diba? Bobo man ako sa academics pero hindi sa pag-ibig!" Yun lang talaga ang maipagmamalaki ko sa kanya.







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon