Oops. I'm sorry! This is not an update haha.
Kung nakaabot ka man rito, I just want to say thank you.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko ipapakita sa inyong lahat yung pasasalamat ko. Kasi sobra sobra yung suportang ibinibigay nyo sa akin, yung pagmamahal nyo kanila Klyx at Amethyst ay sadyang nakakataba ng puso. Sa lahat nang nagbabasa ng istoryang ito, isang taos-pusong pasasalamat ang nais kong iparating sa bawat isa.
Alam kong marami pa kayong katanungan na gumugulo sa inyong isipan pero huwag kayong mag-alala dahil sama-sama nating sasagutin ang mga iyon isa-isa.
You just need to sit back and wait.
Lol. Hahaha :-D
Alam ko yung iba sa inyo halos mabaliw na kakaisip nang susunod na mangyayari sa buhay ng mga bida natin pero salamat kasi matyaga pa rin kayong naghihintay. Humihingi ako ng paumanhin kung hindi ako ganoon kadalas mag-update, sobra po kasi talagang busy. At paumanhin din po kung madalas ay pabitin ako HAHAHA (Sana nakakatulog pa rin kayo sa gabi kahit na ganoon)
Maraming maraming salamat ulit sa inyong lahat! Mahal na mahal ko kayo. :)
May mga katanungan ka ba?
Syempre naman alam kong marami hahahaha.
I want to hear your thoughts. Sobrang nakakatuwang magbasa ng mga saloobin nyo sa totoo lang. Kaya feel free na magcomment! Kahit sama ng loob iyan ay pwedeeee. Welcome na welcome kayo sa pamilya.
Gusto kong malaman nyo na ipinagmamalaki ko kayong lahat. Isa na kayo sa bumubuo ng istoryang ito kaya sana ay makasama ko kayo hanggang dulo. Alam ko namang magtatagal kayo eh, naks. *wink*
Thank you for reading this note!
Always choose happiness and spread the love everyone!

BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton