68: The Reconciliation

678 33 16
                                        




Amethyst's POV







Napamaang ako.







Inulit ko sa aking isipan ang sinabi nya. Sa sobrang pagkagulat ay bumuka pa ang aking bibig. Hindi ko nagawang makapagsalita. Hindi pa tuluyang rumirehistro sa isip ko ang binitawan nyang salita kahit pa'y naiintindihan ko naman iyon. Kukurap-kurap ko syang inaninag ngunit hayun sya at kaswal na nakatayo sa aking harapan, walang balak na bawiin ang kanyang sinabi.







"A-a.. no?" Naging mabagal ang aking pagtugon. Pakiramdam ko ay biglang nanlambot ang aking mga tuhod!







"You heard me." Walang nagbago sa itsura nya. Napakanormal nya na para bang walang naging epekto sa akin yung sinabi nya. Ni hindi man lang nga kakikitaan ng kaba ang kanyang kabuuan. Habang ako ay halos mawala na sa katinuan. Pisti! "Do I need to repeat it?"







Nagugulat, nakanganga, napapamaang kong tinitigan ang kabuuan ng mukha ni parekoy. Hindi ko malaman kung anong reaksyon ba ang dapat kong ipakita.







Muli kong inulit sa isipan ang kaninang itinanong nya. Halos mabaliw na ako sa sobrang kalituhan. Hindi ko magawang sagutin si parekoy.







Paano ko sasagutin iyon kung nitong mga nagdaang araw ay kinwestyon ko rin ang katayuan ko sa buhay nya?







"You're still mine, Amethyst." Muli nyang inulit ang sinabi. "You are completely aware on that, right?"







Hindi ako makapaniwala. Gusto kong matawa sa paraan nang pagtatanong nya. Para bang nagtatanong lang sya sa akin kung anong oras ngayon, ganoon kakaswal! "B-bakit ganyan ang t-tanong mo?" Hindi ko alam kung maiiyak ako o ano. Nakakabaliw si parekoy!







"I only just want to clarify something with you. Hindi naman mahirap sagutin ang tanong ko." Sinabi nya iyon na para bang hindi sya nawala. Na para bang wala kaming naging problema.






Napapalunok akong umiling-iling. "H-hindi.." Yun pa lang ang sinabi ko, tumaas na ang isang kilay nya. Nagbaba ako ng tingin sa aking mga kamay. Bahagya pa akong nagulat nang makitang nanginginig ang mga iyon. Humihina ka na naman, bato. "Hindi ko a-alam kung.. kung paano masasagot ang t-tanong mo," Nangilid ang luha ko. "Pasensya n-na."







Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong mo kung gayong ganito kakomplikado ang relasyon natin, parekoy.








Narinig ko ang mahinang pagtikhim nya, mukhang hindi nya nagustuhan ang nakuhang sagot mula sa akin. Nag-angat ako ng tingin at talaga namang nagulat pa ako nang makita kung gaano sya katitig sa akin. Na para bang hindi nya inalis ang mga mata nya sa mukha ko.







Bahagya akong kinabahan nang makita kung gaano sya kaseryoso. Akala mo ay galit na ewan. Nakakabaliw. "Bakit naman? Nag-break ba tayo nang hindi ko alam?" Madiin nyang tanong.







Naestatwa ako. "H-hindi.." Mahina kong sagot na umiling pa.







Pero matagal tayong hindi nagkita, nagkasama, at nagkausap. Hindi man tayo nag-break ngunit ang mga ipinaramdam mo sa akin ay katumbas ng gano'ng sakit.







"Kung gano'n ay akin ka pa rin, sayo pa rin ako at meron pa ring tayo." Hindi ko inaasahang sasabihin nya yun ng dire-diretso. May diin pa sa bawat salita. "Gano'n lamang kasimple kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mag-alinlangan ka pa sa pagsagot?" Kunot na kunot ang noo talagang tanong nya.






Game of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon