26: The Party

468 18 2
                                        



Klyx's POV






Hindi pa man din sumisikat ang araw nagsimula ng magpatugtog sila mom pagkadating ng araw na pinaghandaan namin. Kinusot ko ang mata ko bago bumangon sa kama at dumiretso sa bintana. Lumabas ako sa veranda at nakita sila mom kasama ang mga tita ko na inaayos na ang mga mesa. Tawanan pa sila ng tawanan. Mapapangiti ka na lang talaga sa ganda ng bond nila.






"ANG HOT DAEMIEL AH!" Napawi ang ngiti ko ng sumigaw si Tita Cristine kaya nagsiangatan silang lahat ng ulo sa akin.






"I know that, tita." Natatawang ani ko na nakahawak pa sa aking dibdib.






"Pasalamat ka wala pa rito ang isa mong tita." Nakangising ani ni Tita Sofia na may hawak pang flower vase. "Hindi ka pa nya mapagnanasaan."






I laughed.






"Sana ganyan din ang anak ko oh, nakakalaglag panty. Hahaha!" Sabi ni Tita Cherry.






"Oo nga eh.. yung atin kasi nakakalaglag bala." Sabi ni Tita Mizu at nagtawanan sila.






"Sheeet! Hahaha! Sama nyo kanila Chester ah! Sa bagay, nagsabi lang naman kayo ng totoo." Sabi ni Tita Clyre.






"Grabe.." Naiiling na sabi ni Tita Julia.






Tumawa si mom bago tumingin sa akin. "Magbihis ka na! Mamaya dadating na sila." Tinuro nya pa yung kwarto ko. "Sigeng balandra ka ng katawan mo eh.." Bumaba ang tingin ni mom sa abs ko. Wala kasi akong suot na pang-itaas na damit. "Sus! Hindi na bago sa akin yan!"






Nagkamot ako ng ulo bago pumasok sa loob. Naligo ako, nagbihis at nag-ayos. Simpleng long-sleeve na white na nakabukas ang tatlong button at jeans ang sinuot ko. Pinabayaan ko namang magulo ang buhok ko bago lumabas sa kwarto.






Napapikit ako nang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha pagkalabas ko sa palasyo. Napangiti ako nang makita ang pagkislap ng liwanag sa tubig na nasa fountain sa gitnang bahagi ng bakuran.






Nakita ko sina Jythe na nakapwesto na sa isang pabilog na mesa.






"Naligo ka ba, Kazumi? Bakit ang panget mo pa ren?" Pang-aasar agad ni Chester ang narinig ko.






"Ask my dad, 'tol. Ask my dad." Natatawang pagsakay ni Kazumi.






"Uy! Ang mahal na prinsipe nandito na!" Sigaw ni Jythe. Nakipagfist bomb ako sa kanilang tatlo. "Wala na! Wala na! Dumating ka lang nalaglag na sa pinakagwapo ang dalawang 'to. Haha!" Pagturo nya kanila Chester.






Tumingin ako sa dalawa. "Hindi naman sila kasali sa listahan eh." I smirked.






"Wow, Klyx! Medyo honest ah?" Ogag talaga.






Umupo ako sa tabi ni Jythe. "Si Dein?"






"Sinundo yung girlfriend nya. Gusto nyang ipakilala kanila Tito Diego eh." Tumaas ang isang kilay ko pagkakita na may kinakain pala sya. Saan nya nakuha yon? "Pati pala yung girlfriend mo! Diba gusto syang makilala ng reyna?"






Palihim akong kumuha ng marshmallow nya at sa kabutihang palad hindi nya naman iyon napansin. "Alam ko. Ako ang nag-utos sa kanya na sunduin yon." Hinagis ko sa ere ang pagkain at sinalo gamit ang bibig. Nagpangalumbaba ako at naglibot ng tingin sa pangyayari sa palasyo.






Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon