46: The Fear

484 24 4
                                    




Third Person's POV





"K-kate.." Pagtawag nila Zyl kay Kate na nanatiling nakatayo habang nakatingin sa pintuan.







Napaupo bigla si Kate. "Tito," Nag-aalalang bumaling sya kay Zack na kanina pa hindi umiimik. "Yung baril.. m-may dala si kuya–" Napalunok si Kate sa sobrang kaba. "Stop him, tito.. natatakot ako sa pwede nyang gawin."







"I trust him.." Yun lang ang sinabi ni Zack. "Let's trust him instead." Walang emosyong sabi nya.







Napayuko si Zyl sa pag-aalala sa kapatid nyang si Cari. "Dad, si kuya.."







Binigyan sya ng kalmadong tingin ng papa nya. "You are aware of his capabilities, Zylaire." Napahinto si Zyl sa pag-iisip sa sinabing iyon ng ama.







"Bakit naman umalis agad yon?" Nanlulumong pagtatanong ni Dein sa sarili. "Hindi pa nga tayo nagsisimula sa meeting eh." Pag-lilihis nya sa ibang usapan.







Tiningnan nilang lahat si Drex. "Oh! Mga titigan nyo ah!" Panimulang depensa nito. "Sinabi ko lang kung ano ang alam ko! Nagtanong kayo eh!"







Nahawi ni Kate ang sariling buhok gamit ang dalawang kamay. "Hindi ko na sya mabasa.." Gigil na bulong nya sa sarili. Mariin syang napapikit sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman.







Huminto sa pag-tap sa lamesa si Thorn habang nagpatuloy naman sa ginagawa si Zack. "Amethyst is his girlfriend right?" Pinatong nya ang isa nyang siko sa lamesa.







"Yes, Tito Thorn! The one and only!" Masiglang pagsagot ni Kazumi sa kabila ng seryosong nangyayari.







Nagtatakang napabaling sa kanya si Jythe. "Sila pa rin ba?" Nakuha nya ang atensyon ng tatlong babae. "Hindi ba umamin na sa kanya si Amethyst? Edi dapat break na sila. May nahulog ng isa. Nasa rules yon, first rule." Naguguluhang anito.







Napahinto ang Primes. Unti-unti nilang naalala ang mga patakaran ng laro na hindi pa ginagawa ng mismong gumawa n'on. Na dapat sa kanilang lahat, si Klyx ang mas nakakaalam ng dapat gawin dahil sya ang gumawa ng mga patakaran.







"Shit! Oo nga!" Gulat na sambit ni Chester. "Wala pa tayong nababalitaang binreak ni Klyx si Amethyst diba?" Tumingin sya kay Kate na ngayo'y seryoso sa kanyang nakatingin. "Diba, Kate?"







"Nasa couple list pa rin sila ng school." Si Seren na ang sumagot dahil parang walang balak sumagot si Kate. Halatang malalim ang iniisip nito. "So that means, they are still together."







"Ahhh," Napatango-tango si Thorn. "Kaya pala gusto nyang ipabanned." Naiintindihan na nya ngayon ang kinilos ng kanyang inaanak nitong mga nakaraang araw.







"Sa inyo sya humingi ng favor, tito?" Gulat na tanong ni Zyl. Tumango si Thorn. "N-nagawa nyo na po ba?" Napalunok si Zyl. Bigla syang kinabahan. Kasi kung nagawa na ito ni Thorn, mapapaalis na talaga si Amethyst sa bansa nila at hindi nila alam kung saang bansa ito pupulutin.







Umiling si Thorn. "Nope. Not yet." Sagot nito. Nakahinga silang lahat nang maluwag. "Sinabi nya lang sa akin na gusto nyang ipabanned si Amethyst sa iba't ibang bansa pero hindi pa sya nagbababa ng utos na gawin ko iyon." Dagdag paliwanag nya. "At saka.. nung isang araw pa sya may tinititigang papel. Hindi ko alam kung ano yon. Test paper, I guess?"







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon