Klyx's POV
Why did I create this game in the first place? Is it because I don't believe in love?
Nah.
Is it because I want to play other's feelings?
Nah.
Or is it because.. I just want to?
Nah. That's a big no. I have my reason why I created that game. A very.. very good reason, actually.
And I'm waiting for someone who will come to me someday saying that she understands my reason.
Sa panahon kasi ngayon, lahat ng tao nagiging mahina pagdating sa pag-ibig. Karamihan sa kanila nagpapakamatay pa dahil lang sa iniwan sila. Is that even acceptable? Ofcourse not. Masyadong mahalaga ang buhay para mawala nang ganon-ganon lang. That's why I created Game of Love. Gusto ko silang matuto. Gusto kong matutunan nila kung ano ba talaga ang tunay na pag-ibig. Kung anong mayroon don, kung anong makukuha nila ron, at kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila once na pinasok nila iyon.
"Huhu! Pwede bang huwag na lang mag-aral?!" Naiiyak na sabi ni Kate habang hinihila sya nila Seren palabas ng headquarters. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Hindi ka katulad ng kapatid mo, mahal na prinsesa! Hindi mo kayang mag-self study!" Pinukpok sa kanya ni Chester ang isang notebook na nakarolyo sa kanyang ulo. "Kaya tara na! Iwan na natin dito ang mahaaaaal na presidente slash prinsipe!" Natatawang sabi nya at hindi naman ako tanga para hindi malamang inaasar lang ako ng isang 'to.
"Matalino din naman ako ah!" Nakangusong umayos ng tayo si Kate. I don't understand her mood, minsan makulit sya, minsan masungit. Parang araw-araw meron. "Hehe.. ng uhm, kaonti!"
Hinila sya nila Zyl at Seren at sa pagkakataong iyon hindi na sya nakapalag. Hindi ko na lang pinansin ang pagsigaw nya sa pangalan ko para humingi ng tulong.
"Tsong! Hindi ka ba talaga papasok?" Tanong sa akin ni Kazumi. Tinaasan ko lang sya ng kilay. "Sabe ko nga eh!" Bawi nya sabay kuha ng kanyang bag at takbo palabas. "Chester mahloveeees! Wait for meeee!"
"Isasara namin 'to, Klyx ah?" Malokong sabi ni Dein. "Nasa school tayo.. huwag ka munang mag-ano."
Tumawa ako ng peke. "Mag-ano mo mukha mo!" Binato ko sya ng notebook pero agad nyang naisara ang pintuan. Tsk. Gaya nya ako sa kanya? Ang dumi ng utak.
Nasa tapat ako ng computer, as always, dahil inaasikaso ko ang paggawa ng mechanics ng laro para maipost na agad ito sa bulletin board sa ibaba.
Bilang presidente, o prinsipe sige na, nasa sa akin ang desisyon kung papasok ako o hindi. Wala namang kumekwestyon sa akin tungkol doon dahil alam naman nila at kilala nila kung sino ang mga magulang ko. Utak lang ang puhunan. Sa loob ng isang taon, bilang sa sampung mga daliri ang nagiging pasok ko. Matalino ako pero tamad akong pumasok. Katulad ng ama ko noong mga kabataan nila. May pinagmanahan nga kasi. Pero kahit na ganoon ay sa bahay ako bumabawi. Ilang oras ang nilalaan ko para magbasa at turuan ang sarili ko.
Pinrint ko kaagad ang mechanics pagkatapos ko syang magawa. Isang copy lang dahil alam naman nila itong lahat. Guide lang ba.
Binasa ko ulit sya at nang makasiguradong tama na ang lahat, pinirmahan ko ito sa bandang ibaba.
![](https://img.wattpad.com/cover/132526802-288-k549090.jpg)
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanficElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton