62: The Danger

583 31 17
                                    



Amethyst's POV






Nagpangalumbaba ako habang pinapanood si tigre na maghain ng pagkain sa harapan ko. Lugaw at mansanas para sa aming hapunan. "Talagang kahit may sakit ako hindi nawawala 'to ah?" Natatawang pagturo ko sa mansanas ni Nanay Miring.







Inirapan ako ng hayop. "Epektibo kasi yan, impakta. Saka yan lang naman yung prutas na available sa'ten kaya 'wag ka nang kumuda." Natawa rin sya sa huli.







Napanguso ako. "Magaling naman na ako eh.."







Hindi na ako nagulat nang makatanggap ako ng batok. Isa syang hayop na walang puso! "Oo nakakabangon ka na sa higaan mo pero hindi ibig sabihin no'n magaling ka na." Bigla nyang kinapa ang noo at leeg ko. "Kitams! Mainit ka pa rin!" Umupo sya sa upuan na nasa harapan ko.







Sinimulan kong kainin ang lugaw na niluto nya at gano'n din ang kanyang ginawa. Napangiti ako sa sarap. Kahit kailan talaga walang kupas ang galing nya sa pagluluto ng lugaw. Hahaha may future si tigre.







"Sa totoo lang tigre ang bigat pa rin ng pakiramdam ko.. pero hindi na kasingbigat kagabi."







Grabe talaga yung pakiramdam ko kagabi. Nanginginig ako sa lamig habang pinagpapawisan. Tapos hindi ako makadilat sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi rin ako makatayo o makapagsalita man lang. Ang hirap gumalaw kapag may sakit. Ayoko talagang nagkakasakit.







"Salamat sa pag-aalaga." Sinsero akong ngumiti sa kanya. Salamat sa lahat, tigre. Sa lahat lahat.







Ngumiti rin sya pabalik. "Kaya sa susunod huwag ka nang pumayag na masampal ka!" Muli na namang pagbabalik nya sa nakaraan. Napanguso ako nang maalala ang sakit na idinulot nung sampal sa akin ni Ate Sethia. Yun din yung dahilan kung bakit ako nilagnat eh. Sobra kasing namula ang pisngi ko at muntikan pa ngang mamaga. Huhu grabe ang lakas nya. "Iwasan mo o 'di kaya sanggain mo! Kahit na sabihin nating isa kang bato, hindi mo maitatangging tao ka pa rin. Hindi mo katulad yung mga kalahi mo na hindi nasasaktan bato 'no!" Natahimik ako sa sinabi nya.







"Sana nga gano'n na lang ako eh." Bigla akong nalungkot. "Sana katulad nila, hindi ako nakakaramdam ng sakit." Ang sakit talaga kasing masampal, h-haha.







Bumuntong-hininga si tigre bago huminto sa pagkain. Hinawakan nya ang kamay ko at napatingin ako roon. "Hanggang kailan mo ba balak tiisin ang lahat ng 'to?" Hindi ko magawang tingnan sya sa mata dahil natatakot akong makita yung emosyon nya ngayon. Kumikirot ang puso ko at ang sakit sakit n'on. "Hanggang kailan mo pipiliing masaktan, bato?"







Napalunok ako nang mariin upang pigilan ang sariling maluha. Pilit akong napangiti nang sya ay tingnan. "Hangga't kaya ko." Saad ko sa mahinang tono. "Hangga't buhay pa ako." Alam mo yon, tigre.







Napapikit sya tanda nang pagsuko bago bitawan ang kamay ko. "Sige na, kumain ka muna. Baka lumamig yan sayang yung pagod ko." Pinilit nyang magtunog nagbibiro.







Ngumiti ako nang malawak bago muling kumain. Tahimik lang syang nanonood sa akin. Dahil maganda ako ay muli ko syang kinausap. "Pwede na ba akong pumasok bukas?" Ngumiti ako kay tigre pero tinaasan nya lang ako ng kilay. Napatigil ako sa pagkain at nginusuan sya. "Pakiusap, tigreeee! Buryong buryo na ako rito eeeh! Namimiss na ako ng school naten. Alam mo namang kailangan no'n ng mga estudyanteng katulad ko na matatalino diba? Hindi ako pwedeng mawala ng matagal sa klase!" Kung wala ako, wala silang makokopyahan. Naaawa na ako sa mga kaklase kong sa akin lang umaasa.







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon