Amethyst's POV
Madali akong nagbihis ng pambahay pagkauwi namin ni tigre galing sa paaralan. Hindi kami ganoong pagod dahil buong araw lang kaming nag-ensayo. Kahit wala akong naintindihan sa pinraktis namin kanina, masasabi kong ang ganda ng preparasyon nila.
Akalain mong ganon pala mag-isip si parekoy.
"Anong pagkain?" Nakangiti kong tanong kay tigre bago umupo sa isang upuan at nilagay ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa. "Ayos ah! Itlog tayo ngayon? Saan yan galing? Binato na naman ba ng mga kapitbahay?" Natatawa kong tanong nung tinaas nya yung dalawang kapirasong itlog. Sakto gutom na ako!
"Bigay 'to ni Aling Auring." Sabi nya. Tumingin sya sa akin pagkatapos buksan yung kalan. "Nakipagchikahan kasi sya kanina sa akin tungkol sa poging nagbayad daw ng renta naten. Hindi nya alam ang prinsipe na pala iyon." Tumawa sya habang binabasag yung itlog.
"Aling Auring talaga may asawa na eh." Nakitawa na lang din ako sa kanya. Sumubsob ako sa lamesa at saktong may nakita akong papel doon. May laso pa itong kulay pula at ang ganda ng papel nya. Napabangon tuloy ako at saka iyon tiningnan. "Ano 'to?" Inamoy ko yung papel. Impyernes, ang bango nya. Mas mabango pa sya sa akin.
Lumingon sa akin si tigre at tiningnan ang hawak ko. "Invitation card yan." Binalik nya ang kanyang atensyon sa niluluto.
"Para saan?" Binuklat ko iyon at binasa yung loob pero agad ko ring sinarado dahil wala akong maintindihan. Matik na. English eh. Hehe. Ang sakit kasi sa mata kaya hindi ko na tinuloy ang pagbabasa.
"Birthday." Ha? Weh? Edi ibig sabihin non may kainan?! "Binigay sa akin yan ni Dein." Dein? Yung boypren nya? Eeeh?! Bakit ako walaaa?!
"Ba't ikaw lang meron?" Napasimangot ako. Porke ba wala pa rin akong boypren hanggang ngayon? Kailangan ba iboypren ko rin si Dein para mapasama ako rito at makakain ng masasarap na pagkain?
Tinawanan nya ako. "Para kasi yan sa birthday ng prinsipe. Ang sabi nya ako raw ang magiging date nya sa araw na yan. Kaya ayun."
"Birthday ng prinsipe?!" Hala! Birthday ni parekoy? "Kailan?"
"Sa sabado."
Sabado agad?! "Saan gaganapin?"
"Sa palasyo yata. Basahin mo dyan." Ayoko ngang basahin kasi ang sakit sa mata. Tigre talaga, oo.
Pero kung sa sabado na nga yung kaarawan ng prinsipe, bakit wala pa ring bumabati sa kanya sa school? July 2 ngayon. Nyak, July pala ang kaarawan nya?
"Kung sa sabado na ang kaarawan nya, bakit wala pa ring bumabati sa kanya sa school?" Takang tanong ko. Diba sikat sya? Dapat marami na syang natatanggap na regalo ngayon palang.
Nilagay ni tigre ang itlog sa isang plato at nilapag iyon sa harap ko. "Impakta, ibang prinsipe yata ang nasa isip mo bato eh." Bakit nya ko pinagtatawanan? Mali ba ako? "Hindi si Klyx ang prinsipeng tinutukoy ko. Ganito kasi yon. Tatlo silang magkakapa--"
Pinutol ko ang sinasabi nya. "May isa pa syang kapatid?!" Hala! Eh kung meron bakit hindi ko sya nakikita sa school?!
![](https://img.wattpad.com/cover/132526802-288-k549090.jpg)
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanficElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton