Amethyst's POV
"Sabeng.. huwag.. kayong.. magpabigat! Hoo!" Agad kong binagsak ang batong binuhat ko pagkarating ko sa gilid. Napatingin ako sa uniporme ko. "Pinagtataksilan nyo ako mga kauri ko ah! Grabehan.. bakit nyo naman ako dinumihan?" Nakasimangot na pagkausap ko sa mga bato.
Madami-dami na rin ang mga nalalagay ko sa gilid pero mas marami pa ring nakakalat. Hindi na yata ako mahal ng mga kauri ko kasi nagpapabigat sila! Pucha. Hindi naman sila ganoon kabigat dati ah?!
Itinaas ko ang tela ng aking uniporme banda sa siko at nagbwelo para buhatin ang isa pang malaking bato pero hindi ko iyon nagawa dahil may biglang nagsalita.
"What are you doing?" Tiningnan ko yung nagsalita. Napatayo agad ako ng diretso pagkakita kong isa iyong bata.
Hala, hala! Spokening dollar, mga kaparekoy! Anong gagawin ko rito?! Ang bata-bata pa nya bakit nage-english agad?!
"Why are you carrying those rocks? Aren't they heavy for you?" Nakanganga ko syang pinasadahan ng tingin. Ang kinis nya tapos ang gwapo. Aaah! Nahiya ang ganda ng pagiging bato ko sa batang ito! Sino ba 'to?
Tumingin ako sa mata nya pero nakakunot lang ang noo nya sa akin. Nabangag ako bigla.
"And why are you here? You must be there at the center field watching the king and queen and listening to their speeches." Dagdag na sabi nya pa na mas lalong nakapagpabangag sa akin. "You are wearing Ashton High's uniform so it's probably your responsibility to be there." M-ma.. m-ma.. mahihimatay yata ako sa kakaenglish nya! Wala akong maintindihan! Huhu. Paano ko sya kakausapin kung puro sya english?! "Why aren't you answering? You don't understand english, don't you?" Tanong nya. Napalunok ako. Bilis naman makahalata!
Kanina pa nakakunot ang noo nya sa akin. Hindi ko alam kung hindi nya lang ako gusto o naiinitan sya. Ang ganda ganda pa naman ng suot nya at ang kinis nya para mainitan lang ni haring araw.
"*cough* *cough*" Mariin akong napaubo bago tumalikod sa batang spokening dollar. Tumingin ako sa puno at mabilis na binuhat ang bato papunta sa gilid non. Inayos ko iyon at pinagpagan. Tumingin ulit ako sa bata at nakakunot pa rin ang noo nya habang pinapanood ako.
"A-ano.. hehe.. t-tara dito. Mainit dyan." Pag-aayaya ko sa kanya. Ilang segundo muna syang napatitig sa akin bago lumapit. "Upo ka rito dali. Para hindi ka mapagod." Inalok ko yung bato. Nasa lilim na sya ngayon at mas lalo akong namangha sa kagwapuhan ng batang ito. Sino ba ang mga magulang nito at paano sila nakagawa ng ganito kagwapong anak? Parang si parekoy lang ah. Medyo may hawig nga sya sa kanya eh, ang galing!
Tumaas ang isang kilay nya. "You want me to sit there?" Turo nya sa bato.
"Ha? Aba uy, malinis yan, bebe!" Ngumiti ako sa kanya at muli iyong pinagpagan pero hindi pa rin sya umuupo kaya napilitan akong ilabas ang panyo ko at ipinansapin iyon doon. "Ayan! Pwede ka nang umupo! Hehe."
Kinakabahan ako na ewan. Ewan ko ba. Akala ko tatanggi sya pero nagulat ako nang umupo sya. Tumitig sya sa akin at muntik na akong mahimatay sa titig nyang iyon. Bata-bata pa marunong nang mang-akit, hoo. "You want me to speak in tagalog?" Nagulat ako sa naging tanong nya. "I am willing to do so, by the way." Nagkibit-balikat sya at ang kyut nya banda ron.

BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton