35: The Fault

546 22 4
                                        




Third Person's POV






Nag-unahan sa pagpasok sina Chester, Kazumi at Jythe sa kotse ni Dein at mabilis na pinagmadali ang nahuhuli nilang kaibigan. "TUKMOL NAMAN NETO DALIAN MO!" Natatarantang sigaw ni Chester kay Dein na papito-pito pang naglalakad patungo sa kotse nya.







Kung sya ay paprente-prente lang, ang tatlo naman ay hindi na mapakali dahil sa kanilang nabalitaan.







"Eh mga king*na nyo kase sino bang may sabing sa kotse ko kayo magsiksikan ha?" Sarkastikong sabi ni Dein sa tatlo pagkapasok nya sa loob. Sa sobra raw kasing pagkataranta ng mga kaibigan nya, nakalimutan na ng mga ito na may kanya-kanya naman silang kotse at magkakatabi pa. "Parang mga walang kotse amputa." In-start na nya ang engine bago pa magwala ang mga kasama nya sa loob.







Pinampaypay ni Kazumi ang sariling kamay sa pagkataranta na nararamdaman. Hindi pa sila mapakali ni Chester sa pagkakaupo sa back seat habang nagngangatngat naman sa kuko si Jythe na nasa passenger seat sa tabi ni Dein. Natawa si Dein sa itsura ng mga ito bago paandarin ang kanyang kotse.







"Sa tingin mo 'tol sa lagay naming 'to makakapagmaneho pa kami ng maayos?!" Depensa ni Kazumi bago humarap kay Chester. "TANG*NANG YAN. BAKIT BA AKO KINAKABAHAN?!" Niyugyog nya ang kapwa nya kaibigan na kinakabahan din.







Pinalo ni Chester ang kamay ni Kazumi na nakahawak sa kwelyo ng uniform nya. "HUWAG KANG SELFISH 'TOL! PARE-PAREHAS LANG TAYONG KINAKABAHAN DITO, GUNGGONG!"







At nang makalabas na sila sa Ashton High ay agad na pinaharurot ni Dein ang kanyang kotse dahilan para mapaayos ng upo ang tatlo dahil hindi naman sila nakaseatbelt.







"HOOOOOOOOY! HINAY-HINAY, 'TOL! WALA TAYO SA KARERA AH!" Reklamo ni Kazumi na sige ang pagkapit sa upuan nya. "May kasama lang tayong kabayo pero wala tayo sa karera! Diba, Chestilog? Hahahaha!" Pang-aasar ni Kazumi kay Chester.







Naiinis sya nitong binalingan. Nagkahalo-halo na raw kasi ang kaba ni Chester kanina sa nararamdaman nyang kaba ngayon dahil sa siraulo nyang kaibigang nagmamaneho. "Unggoy na tapos kabayo pa? Ano ako 2 in 1? Abnormal ganon? Tang*na neto."







Nawala ang kabang nararamdaman ni Jythe sa sinabi ni Chester. Napahagalpak sya ng tawa. "Benta non, Chestilog! Puahahahahaha!"







Halos paliparin na ni Dein ang kotse nya para makarating agad sila sa kanilang paroroonan. "Nasa Hearthstone sila, diba?" Pagtatama nya.







Bumalik ang dating aura ng tatlo. Hindi na naman mapakali ang dalawa sa likod at muli na namang nagngatngat ng kuko si Jythe. "Oo, 'tol." Sagot ni Jythe bago buksan ang bintana sa side nya. "Punyetang topic yan. Lakas makasuffocate ah!" Sigaw nito bago ilabas ang ulo sa kotse.







Natawa ng mahina si Dein. "Hindi lang kayo sanay kasi ito ang unang beses." Nawala bigla ang kanyang ngiti. "Unang beses na sumuway si Klyx sa patakaran ng pamilya nila." Seryosong aniya.




***




Pagkarating nila sa Hearthstone ay mabilis na pinark ni Dein ang kotse nya sa labas ng mansyon ni Master S. Marami nang nakahilerang kotse roon senyales na huli na sila sa nagaganap na pagpupulong.







Isang kotse ang bumungad kay Kazumi pagkalabas nya sa kotse ni Dein na syang ikinagulat nya. "K-kotse 'to ni.." Nanginginig ang kamay nyang itinuro ang kulay itim na kotse na nakapark sa harap nila bago magtakip ng sariling bibig. "OH SHIT! HINDI NGA TALAGA SILA NAGBIBIRO!"







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon