71: The Truth

732 23 15
                                        




Third Person's POV








"Magandang gabi po, mahal na prinsesa."







Nginitian ni Kate ang mga kawal pagkababa nya ng kotse. "Magandang gabi rin po sa inyo." Balik pagbati nya sa mga ito bago bumaling sa driver nila at nakipagpalitan ng ngiti. "Maraming salamat po."







Isinukbit nya sa likod ang kanyang bag at saka pumasok sa loob ng palasyo. Habang naglalakad ay binabati sya ng mga nakakasalubong na kasambahay at walang sawang binabati nya naman ang mga ito pabalik.







Napahinto lang sya nang may sumalubong sa kanyang isang maid. "Magandang gabi po sa inyo, Princess Kate." Nakayukong bati nito. "May bisita po kayo."







"Sino?" Nagtatakang tumingin sya sa likuran ng maid kaso ang hagdan lang ang kanyang nakita. "Wala po akong inaasahang bisita."







"Si Sir Cari po."







"Si Cari?" Mas lalo syang nagtaka. "Ano naman kayang ginagawa ng monggoloid na 'yon dito?" Kunot-noo nyang bulong sa sarili habang inaaninag ang nasa itaas. "Nasaan po sya?"







"Naghihintay po sya sa inyo sa living area, Princes Kate."







"Kanina pa po ba sya naririto?"







"Mga mag-dadalawang oras na rin po."







"Gano'n katagal?" Nagulat si Kate. "Okay. Thank you po." Yumukong muli ang kasambahay bago sya umalis.







Nang makaakyat sa itaas ay agad syang tumungo sa living area ng palasyo. Automatikong tumaas ang isang kilay nya nang mamataan ang likuran ng pinsan na prenteng nakaupo sa couch nang nakadekwatro.







Dahil sa tunog ng kanyang sapatos ay napansin agad nito ang paglapit nya. Bago pa lumingon sa gawi nya si Cari ay mabilis nyang hinagis dito ang kanyang bag. Napangisi sya nang masalo nito ang bag nya gamit lamang ang isang kamay.







"Really, Dexryn? What the fuck?" Angil nito. Kunot na kunot ang noo.







Natatawang napapalakpak si Kate. Umupo sya sa single sofa na nasa gilid ng long sofa na inuupuan ni Cari. "Ang talas talaga ng pakiramdam mo ah? Turuan mo nga ako kung paano iyan."







Napairap si Cari sa hangin bago ilapag ang bag sa kanyang tabi. "Wala ba munang magandang gabi dyan?" Sarkastikong aniya.







"Ayun na yon." Natatawa pa ring nginuso ni Kate ang bag nya na nasa tabi nito. "Bakit ka nga pala nandito?"







"I'm waiting for you, obviously."







"Malamang! Duh? Hindi ka naman magtatagal ng dalawang oras sa pag-upo dyan kung wala kang balak na hintayin ako."







"And you're being sarcastic now, huh?"







"Dahil nakakabobo ang sagot mo."







"Ngayon tinatawag mo na rin akong bobo? Ha! Nag-iba ka na, Kate!"







"Tss. Tumigil ka nga! Hindi bagay sayong mag-inarte yawa ka!" Sabay silang natawa. Ginaya ni Kate ang pagsandal ng pinsan sa sofa. "Mabalik tayo sa kanina.. anong ginagawa mo rito?" Nakangiwing tanong nya at tinuro ang malaking wall clock na nasa dingding. "Nang ganitong oras?" Mas lalo syang napangiwi kay Cari nang makita ang oras.







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon