11: The Care

507 20 1
                                        




Klyx's POV







"Sakay." Binuksan ko ang pintuan ng kulay pula kong Lambo. Nakita kong nagliwanag ang mukha nya kaya napangisi ako. Sinara ko kaagad ng malakas iyon. "Syempre biro lang." Pagbawi ko. Hah. Anong akala nya? Papasakayin ko sya? In her dreams.







Napakurap-kurap sya sa akin. Nawala rin yung kinang sa mga mata nya. Gusto kong matawa sa itsura nya. "H-hindi.. mo a-ako p-papasakayin...?" Nauutal na tanong nya. On-shock pa rin sa ginawa ko. "PAASA KA NAMAN EH!" Nagtantrums sya bigla.







"Sinabi ko bang umasa ka?" Pambabara ko.







"Akala ko.. akala ko makakasakay na ako.. akala ko lang pala.." Para syang tangang nakatulala roon at kinakausap ang sarili nya. Umasa talaga sya? "Ang sama talaga ng ugali mo!" Duro nya sa pagmumukha ko.







Tinaasan ko sya ng kilay. "Mas masama ang mukha mo." Pang-aasar ko. Trip ko sya eh. 







Tumikhim sya. "Ang kapal! Sa ganda kong 'to?!" Tinuro nya pa ang mukha nya na oily naman. "Nakakainis ka! Wala na tuloy akong masasakyan ngayon! Kung hindi ka ba naman kasi paasa eh!" Sumimangot sya sa akin.







Tumingin ako sa wrist watch ko. 8:30 na ng gabi. Ang aga pa ah? "Edi maglakad." Napairap ako.







Nagkamot sya sa ulo nya. "Oo nga 'no? Hindi ko yon naisip. Hehe." Wala talagang utak. "Pero gabi na! Baka mapahamak ako.."







Gusto kong matawa ng malakas sa kakapalan ng mukha nya."Sa itsura mong yan? Walang magtatangka sayo, uy."







Sumimangot na naman sya. Ang hilig nyang sumimangot. "Ang sama talaga ng ugali mo!"







Natawa ako ng mahina bago lumapit sa kanya ng bahagya. Nasa harap yung hindi nya gaanong mahabang buhok pero sapat na para takpan yung korona banda sa kanan nyang dibdib.







Nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko at nginuso ang buhok nya. "Ilagay mo yan sa likod mo. Utos ko yan." At katulad ng inaasahan, hindi nya ako sinunod.







"Ha? Bakit naman? Inggit ka na ngayon sa buhok ko? Pati ba naman 'to, parekoy?!"







Napairap ako sa katangahan nya ng hindi nya ako sundin. Sino sya para hindi sundin ang utos ng prinsipe?







Hindi nya kasi alam na prinsipe ka Klyx.







Psh.







Lumapit pa ako ng kaonti sa kanya. Nakita ko na nabalisa sya sa paglapit ko kaya pinitik ko ang kanyang noo. Napangiti ako nung magsimula na naman syang magtatatalak.







"Ang sama talaga ng ugali mo!" Ngumuso sya habang hawak ang kanyang noo na pinitik ko.







"Hindi kita type. Gumising ka nga." Lumapit ako sa kanya at nilagay ang buhok nya sa kanyang likod. Ako na ang gumawa non kasi tatanga-tanga sya. Mukhang nagulat sya sa ginawa ko kasi nanigas eh. "Huwag mong tatakpan ang simbolong yan. Hangga't nakikita nila ang koronang yan, walang mananakit sayo." Ngumiti ako sa kanya bago guluhin ang kanyang buhok.







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon