Amethyst's POV
Nasa loob kami ng banyo ni Tiger. Nakatulala lang ako. Hindi dahil nababaliw na ako kundi dahil nag-iisip ako. Naks, perstaym. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit COMFORT ROOM ang ibig sabihin ng CR? Pwede bang magpahinga rito?
Kaya ayaw kong nag-iisip eh. Lalo lang akong naoobobs. Huhu.
Lumabas si Tiger sa isang cubicle (Shems, cubicle.. ramdam ko ang talino ko na, hihi). Pinanood ko sya sa salamin. May malaking salamin rito sa banyo ng Ashton High. Astig nga eh. Ang sosyal.
"Ano yang hawak mo?" Bigla nyang hinablot yung papel na hawak ko. BA'T AKO MAY HAWAK NA PAPEL?! Hindi ko yun namalayan ah! "Ito yung binigay sa atin ni Miss Asunta kahapon ah? Bakit nasa sa iyo pa rin?" Sinilip ko yung bond paper na hawak nya na pinamigay sa amin ni Miss Asunta kahapon. Lahat ng transferee ay binigyan nya nito.
Hindi ko naman maintindihan kung baket. Hindi naman sya yung adviser namin eh. Hehe.
"Oo nga. Psh. Hindi ko nga maintindihan yan eh." Ba't naman kasi english yung nakasulat?! Hustisya naman para sa mga katulad kong kinulang sa katalinuhan! Pero sinobrahan naman sa kagandahan. Boom! "Ikaw na lang magbasa, tigre! Hehe.. tapos ipaliwanag mo na lang sakin." Shems, talino ko! Magandang ideya! Hindi mapapagod ang brain cells ko. Feeling ko nga nagpapahinga sila ngayon kasi pinuyat ko sila kagabi kakabasa nung dictionary ni Tiger.
Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit parang ang dami ko ng alam na english word. Bleeh.
PERO DI PA RIN AKO MARUNONG MAGCONSTRUCT! HUHU.
Paisa-isang salita lang tayo mga kaparekoy. Haha. Ayoko rin namang mamatay dahil sa kakaaral. Mamamatay tayong maganda.
"Game of Love? Ano 'to? Isang laro?" Binuksan ko yung gripo at naghilamos habang nakikinig kay Tiger. Magsisimula na yung klase at maya maya lang ay tutunog na yung bell pero ito pa rin kami nakatambay dito sa banyo.
"Malamang. Kaya nga game diba?" Pambabara ko kay Tiger.
Tiningnan nya ako nang namamangha. "Talino mo na ah! Kinocorrect mo na ako!"
Pinunasan ko yung mukha ko ng panyo at mayabang syang tiningnan. Bakit ba, natutuwa ako eh! "Paano ba yan? Mukhang matatalo ko na ang prinsesa.. dapat na yata syang kabahan." Hindi ko pala nasabi sa inyo na medyo.. medyo makapal ang mukha ko.
Pinalo ako ni Tiger sa ulo. Napakasadista! "Impakta! Napakaimposible nang sinasabi mo!" Tinawanan nya ako. Hindi ba mas matalino sya dun? Ang hirap kayang talunin ni Tiger! "130 plus yung IQ nun eh! Walang-wala yung 90 below mo! Hahaha!" Iniinsulto ng isang hayop ang katalinuhan ko ah!
"130 plus? Ang taas naman! Ikaw ba ilan?"
"115 pataas!"
Ang tataas naman ng IQ nila. Bakit ba pinagkaitan ako?!
"Teka! Balik na nga tayo dito! Feeling ko sobrang importante nito eh." Binalik na naman nya yung tingin nya sa hawak nya. "Mechanics? Edi laro nga.." Bulong ni tigre. "HA?!"
Nagulat ako nung bigla syang sumigaw. Nanlalaki ang matang nakatingin sya sa papel.
"Bakit?! Bakit?!"
"B-bakit.. a-anong.. ANONG KLASENG LARO 'TO?!"
"HA? ANO BANG NAKASULAT?!" Bakit kasi sumisigaw si Tiger eh! Pati tuloy ako napapasigaw na rin!
![](https://img.wattpad.com/cover/132526802-288-k549090.jpg)
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanficElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton