51: The Love

561 25 5
                                        



Amethyst's POV





Napasimangot ako bago tumayo. Ipinasok ko sa aking bag ang teleponong bigay ni parekoy. Hindi ko iyon mabuksan at hindi ko alam kung bakit.







"Bakit hindi mo ako ginising?" Nanlulumong tanong ko kay tigre na abala sa pagpapatuyo ng buhok nya. Myerkules ngayon at kailangan ko nang pumasok. Malapit na yung pagsusulit namin at nasa tama pa naman akong wisyo para hindi iyon ibagsak. Well, balak ko nga sana eh hahaha.







"Duh, bato, duh?!" Natatawa nyang pinagmukhang maarte ang sarili habang nagsusuot ng sapatos. Sa sobrang pananabik kong makapasok ulit, alas sais palang ng umaga ay nakahanda na ako samantalang alas otso ang pasok namin. "Sobrang himbing ng tulog mo at nakakahiya ka namang gisingin dahil sa lakas ng hilik mo."







Nanlaki ang mata ko. "S-sinungaling ka ah!" Nahiya naman ako sa katotohanang baka totoo nga iyon at nakita ng prinsipe.







Iyon ngayon ang ikipinanlulumo ko. Ang sabi nila Nanay Miring sa akin kaninang umaga ay pumunta raw dito ang prinsipe kagabi. Ngunit dahil tulog nga ako, ako lang yung hindi nakakita. Sandali lang daw syang pumunta dahil sinilip nya lang ako at sabay alis na.







Kung bakit ba naman kasi ang aga mong natulog, bato! Sinabi na nya sayong babalik sya tapos hindi mo hinintay!







"Huwag kang mag-alala, mahal ka pa rin daw ng prinsipe kahit na humihilik ka." Nakangisi nyang pang-aasar, mas lalo akong napasimangot.







"Kwento mo sa tigre." Napanguso ako. Loko sya para paasahin ako ah!







"Ayaw maniwala, bahala ka dyan." Humarap sya sa salamin nang matapos na syang mag-ayos. Pinusod nya lang ang kanyang buhok. "Kamusta ang mga sugat mo?"







Tumingala ako sa kanya. Nakaupo kasi ako sa kahoy naming couch tapos sya ay nakatayo. "Humihilom na sila." Pinasadahan ko ang mga sugat ko. Hindi na ganoon kahalata yung mga sugat ko sa binti ngunit yung sa braso ay talaga nga namang halata pa. "Pero mahapdi pa rin itong banda sa braso." Inangat ko pa ng bahagya yung uniporme ko para ipakita sa kanya ang namumula kong mga pasa roon. Napangiwi ako bago iyon binalik.







"Hindi mo nilagyan ng benda?" Kunot noo nyang tanong. Natawa naman ako.







"Kung makapagtanong ka ay parang meron tayo non ah!" Tinawanan ko sya.







Pabagsak nyang ibinaba bigla ang hawak nyang suklay. "Ilang beses ka na bang napahamak, Amethyst?" Natigilan ako sa naging tanong ni tigre. "Pumayag ako dahil sabi mo ligtas dito." Humarap sya sa akin, nag-aalala. Lumapit sya at huminto sa aking harapan. "Kapag nasaktan ka pa ulit, iuuwi na kita." Makahulugan nyang sabi na nagpalaki sa mga mata ko.







"Tigre!" Nakanguso kong tawag sa kanya. Napatayo ako at binigyan sya ng nagbabantang tingin.







"Oh? Baket?" Mataray syang humarap sa akin. Napanguso na lang muli ako at napaupo. Baka lapain nya pa ako kapag nagsalita pa ako ulit. Hays. "Haha, tsk. Takot na takot sa banta ah."







"Malamang! Banta nga eh." Tali-talino ni tigre tapos hindi iyon alam?







Kinuha nya ang bag nya at isinukbit iyon sa kanyang balikat. Ginawa ko rin iyon at sumunod sa kanya palabas ng bahay. Sinarado nya ang pinto at nilock. Napatingin naman ako sa mga kapit-bahay namin na naglalaba.







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon