Third Person's POV
"HI, KLYX!" Magiliw na bati ni Tiger nang makalapit sila sa kotse ng prinsipe. Pinasadahan nya agad ito ng tingin. "Ang gwapo gwapo mo ah?" Namamanghang aniya.
Simple lang naman ang suot ni Klyx. Itim na t-shirt na may nakaprint na malaking korona na kulay ginto sa bandang gitna. Sa ilalim n'on ay may nakasulat na Elites. Tinack-in nya iyon sa faded jeans nya at nilagyan ng kulay brown na makapal na belt. Suot ang magkahalong puti at itim na sapatos at silver na relos sa kanang kamay. Bahagyang nakaayos ang kanyang buhok at talaga nga namang umaalingasaw ang bango sa kanyang kabuuan.
Bago pa tumulo ang laway ay naitikom na ni Tiger ang bibig. Ngumiti ang prinsipe sa kanya bago umalis sa pagkakasandal sa kulay pula nyang Lamborghini. Iyong sasakyan na hindi sya nagpapasakay ng babae.
"Where is she?"
"Si A-amethyst?"
"Who else?"
Natigilan si Tiger sa naging tanong nya. Bobo! Malamang Tiger! Sino pa ba ang ipupunta nya rito? "A-ah h-hahahaha!" Awkward syang tumawa at bahagya pang pinalo ang prinsipe sa braso. "Malay ko ba naman kasi na baka hindi si bato ang ipinunta mo. Haler! Dalawa kaya kaming maganda rito." Biro nya para maisalba ang sarili sa kahihiyan.
"Bakit hindi mo yayain si Dein para naman hindi ka mainggit dyan?"
Nanlaki ang mga mata ni Tiger. "A-anong inggit?! S-sinong i-inggit?!"
Nagkibit-balikat si Klyx, halatang nang-aasar. "Malamang sa malamang hindi ako. Ka-date ko ang kaibigan mo."
"Ahhhh, so ako ang tinutukoy mo?" Masungit na ani tigre habang nakaturo pa sa sarili. "Hoy mahal na prinsipe– tigilan mo ako sa pang-aasar mo ah! Tandaan mo nasa harap ka pa ng bahay namin! Pwedeng hindi matuloy ang lakad nyo ni Amethyst!" Banta nito kay Klyx.
Nakangiwi itong sumuko. "Oo na," Tiningnan nya ang nasa likuran ni Tiger. Malaking bahay. Maganda. Sa disenyo pa lang ay halatang mayaman na ang nakatira. Hindi nalalayo ang sukat nito sa mga mansyon na nasa Hearthstone. Mas malaki nga lang ang mga naroon. "Nasaan na ba kasi ang kaibigan mong bato?"
"Palabas na rin yon! Huwag kang excited." Ngumisi ito nang nakakaloko.
Hindi rin nagtagal ang paghihintay nila nang bumukas ang gate. Lumabas doon si Amethyst at agad na tumama ang mga mata sa kasintahan na naghihintay sa kanya sa labas.
Nakangiting pinasadahan ni Klyx ang kabuuan nito. Nakasuot ito ng jacket na kulay itim ngunit may lining na kulay red sa mag kabilang gilid, iyong jacket na ibinigay nya. Nakabukas ang zipper kung kaya't lumantad sa kanya ang suot nito sa loob nyon. Kulay pula at puting crop top. Maliit para sa kanya dahilan para makita ang may hubog nitong beywang at ang itaas ng kanyang dibdib na may nakasabit na kwintas. Sa ibaba ay kulay itim na leather skirt na ang haba ay nasa kalahati lamang ng kanyang hita. Nakasuot sya ng 3 inches highcut na black na bumagay sa haba ng kanyang binti. Kitang-kita ang puti at kinis ni Amethyst dahil sa kanyang suot. Nakaladlad ang may kakulutan nyang buhok. Walang kolorete sa mukha maliban sa light-reddish nyang labi.
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton
