Third Person's POV
Pagkapasok ni Klyx sa loob ng HQ ay agad na dumapo ang kanyang paningin sa kapatid. Nakasandal ito sa table nya, magkakrus ang mga braso maging ang mga paa at diretso rin sa kanyang nakatitig.
"Ang tagal mo naman?" Pagbungad ni Kate.
Sinara ni Klyx ang pintuan bago nilibot ang loob ng HQ. "Nasaan ang iba?"
"Nasa Dean Office."
Doon natigil ang prinsipe sa paglalakad. "Edi kailangan rin ako?"
"Malamang. Ikaw na nga lang ang kulang do'n."
"Dalawa kaya tayo." Sarkastikong sagot ni Klyx. "Nandito ka pa rin e."
"Dahil hinihintay kita." Doon kumunot ang noo ni Kate. "Halos isang oras na akong naghihintay sayo rito. Umalis ka na lang sa meeting bigla kanina tapos ngayong may meeting din tayo kasama sina Tito Ken at Cari ay hindi ka naman mahagilap. Saan ka ba galing?"
"Kay Amethyst." Yun palang ang sinasabi ni Klyx pero nagawa n'ong pakalmahin si Kate. Napaayos ito ng tayo.
"Kay Amethyst?" Pag-ulit nito. "Edi nagkausap kayo?" Excited nyang tanong.
"Malamang. Tatagal ba ako ng isang oras do'n kung nakipagtitigan lang ako sa kanya?"
"Eh bakit ang sarkasmo mo?!"
"Dahil nakakabobo ang tanong mo." Seryosong bwelta ni Klyx dahilan para matikom ni Kate ang bibig. Napasimangot sya.
"Nagkaayos na ba kayo?" Lakas-loob na pagtatanong pa rin nya. Tipid lang na tumango si Klyx. "Oh, e, bakit ang init pa rin ng ulo mo?"
"Nakita ko na naman kasi ang pagmumukha mo."
Napamaang sa gulat si Kate. "Ha! Sa ganda kong 'to ah?!" Turo nya pa sa mukha.
Hindi sumagot si Klyx, sa halip ay dumiretso sya sa upuan nya at doon umupo. Hinarap muli sya ni Kate. Pinagmasdan nya ang mukha ng kapatid nang pumikit ito. Kahit papaano ay nakahinga sya ng maluwag sa sinabi nito. Nakampante sya sa hinatid nitong balita. Nagkaayos na sila.. mabuti yan, kapatid.

BINABASA MO ANG
Game of Love
أدب الهواةElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton