59: The Confrontation

578 28 4
                                        




Amethyst's POV






Saktong paglabas ni ma'am ay ang pagtayo ko. Mabilis akong pumunta sa pintuan at bahagyang sinilip ang pasilyo. Inaninag ko ang HQ ng Primes sa pinakadulo ngunit nakasarado pa rin iyon.







"Kami ang napapagod sa iyo, Amethyst eh!" Sigaw bigla sa akin ni Santi.







Nag-angat si tigre ng tingin kasi nagsusulat sya. Masipag ang hayop natin eh. "Panglimang balik na nya yan sa pintuan."







"Ay bilang!" Sigaw rin ni Agatha sa isang tabi. "Sa bagay hahaha! Yung bilang ng guro nating lumabas, yun din yung bilang nang pagpunta nya riyan eh!" At nagtawanan yung mga kaklase ko sa sinabi ni Agatha.







Napanguso ako. "Masyado ba akong halata?" Maingat na nga yung pagtayo ko sa upuan ko.







Natawa nang malakas si Pedro. "Ay hindi, bato! Hindi talaga! Insivible ka lang sa mata namin!"







Nagulat ako nang bigla syang batukan ni Ail. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat. Ano ba yan, Ail! Kulang sa lakas! "OGAG KA TALAGA! INVISIBLE YUN BOBO!" Imbes na ako yung tawanan, si Pedro tuloy.







"Invisible insivible.. PAREHAS LANG NA WORD YUN!"







Hay naku si Pedro. Pinaglalaban nya talaga yung sinabi nya ano? Sa totoo lang, akala ko talaga tama sya hehe.







Bumalik na lang ako muli sa upuan ko. "Ang prinsipe ba ang hinihintay mo?" Tanong bigla ni tigre pagkaupo ko.







"Sino pa ba?" Napasimangot ako. "Nakakapagtaka kasi.. lahat ng maharlika wala rito. May nangyari na naman bang masama?" Lunes na lunes wala sila.







Nagkibit balikat sya. Tiningnan ko yung sinusulat ni tigre. Aysus! Mga lektura pala iyon sa asignaturang matematika! Ang sarap sunugin! "Ba't hindi mo tanungin ang boyfriend mo?"







Hindi ba sumasakit ang mata nya sa mga numero? Hindi ba sya nahihilo? Alpabeto pa nga lang halos mahimatay na ko. Hahaha choss lang. Sa talino kong 'to? Sus! Kahit pagsama-samahin pa yung numero at alpabeto hinding-hindi nila ako mapapatumba.







"Yun nga ang isa pang problema eh.. hindi ko sya macontact simula pa kahapon." Nag-aalala na nga ako nang medyo medyo.







"OMYGOODNESS!" Sa lakas ng sigaw ni Agatha, nagawa nyang patahimikin at pahintuin kaming lahat. "OMYGOODNESS PACKING TAPE! AAAAAAAAH!" Nagtitili-tili sya sa may pintuan. Para syang kiti-kiti roon habang may sinisilip sa labas.







Lumapit sa kanya si Carlos. "Bakit ka ba nag-iingay dya– SHIT!" Nahawakan agad ni Carlos yung bibig nya bago pa sya makapagmura nang tuluyan. Nahaharangan nilang dalawa yung pinto kaya kaming nasa loob ay mas lalong nagtaka kung bakit sila nagkagano'n. "CLASS A, TAYO!" Sigaw ni Pedro kaya automatic na napatayo kami.







Nakakagulat sya eh!







"Pedro ano bang–" Hindi na naituloy ni tigre ang pagtatanong nang biglang gumilid sila Pedro at tumambad sa akin ang isang pamilyar at napakagwapong mukha.







Nanlaki ang mata ko at alam kong hindi lang ako ang napanganga. "K-kash.." Mahinang usal ko habang nakatingin sa kapatid ni parekoy.







Game of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon