18: The Learning

490 21 0
                                    


Amethyst's POV






SINUSUNDAN NYA TALAGA AKO?!







Narinig ko syang tumawa. "Assuming. Of course I didn't." Nyak! Sabay bawi?! "You're such a dimwit." Nageenglish na naman sya! Baka mamaya nilalait na ako ng isang 'to ah!







"English ka nang english! Papuri ba yon?"







Tumawa sya ng mahina. "Yeah. Papuri yon." Talaga? Ay, salamat! Hehe.







"Yung totoo, anong ginagawa mo rito?"







Binuksan nya yung pintuan ng dala nyang kulay asul na kotse at tumingin sa akin. "Sakay." Utos nya.







AKALA KO BA SAKAY?!







Bakit pwersahan nya naman akong pinapasok sa loob!





***





Sobrang tahimik sa loob ng kotse nya. Maging paghinga naming dalawa ay naririnig ko na. Mapapanis ang laway ng isang 'to, tamo.






Kahit naman siguro mapanis yung laway nya ay mabango pa rin eh. Samantalang ako walang pinagbago. Amoy kabaong pa rin, bwiset.







Kahit nakatingin sya sa harap, humarap ako sa kanya. Dadaldalin ko muna ang prinsipe. Hehe. Susulitin ko na ang pagkakataon hangga't wala pa syang kasamang kawal. Parekoy ko sya ngayon. "Bakit ang dami mong kotse? Yung totoo? Gumagawa ka ba ng mga ganito?" Sobra sobra naman kasi sa kotse ang isang 'to. Ako nga hanggang lakad lang.







"Hindi." Haba ng sagot ah!







"Hindi ko tuloy lubos maisip kung gaano kalawak ang palasyo para magkasya ang mga kotse mo roon." Humalukipkip ako bago umayos ulit ng upo. Parang gusto ko tuloy pumasok sa palasyo! Kaso ang higpit daw doon. Sayang naman. "Bigyan mo naman ako ng isa oh! Ang dami dami mo namang kotse eh!" Magandang ideya, bato! Mang-uuto tayo. Mabait naman sya diba? Sabi nila yon.







Sigurado akong bibigyan ako ng prinsipe!







Tumingin sya saglit sa akin. "Bakit ko naman gagawin yon? Importante ka ba?" Sabi ko nga.







Mamatay na sya.







Biro lang! Hahaha! Sayang naman itsura nito kapag hindi nalahian!







Napahawak ako sa dibdib ko. "TAGOS YUN AH!" Ang sama talaga ng ugali nya!







Hindi na lang ulit ako nagsalita. Ayoko na syang kausapin.







Pero syempre biro lang ulit kasi hindi ko kaya yon. Madaldal nga kasi ako. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Pansin ko hindi nya pinapansin yung hindi ko pagiging magalang ah. Ayos den! Hindi nya napapansin! Ibig sabihin lang non iwas kulong ang nag-iisa nyong bato ngayon!







"Sa pupuntahan." Naks! Gandang sagot non ah!







"Ah. Astig." Nagingiting sabi ko. "Ano namang gagawin natin sa pupuntahan natin?"







"Yung project." Sagot nya. "Yung research paper, remember? Project natin sa economics." Halata sa mukha nya ang pagkairita nung banggitin nya yung salitang project.







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon