Amethyst's POV
"15 out of 20." Bumaba ang tingin ko sa papel na hawak ni parekoy. "Not bad." Nag-angat sya ng tingin sa akin at ngumiti. Binalik nya sa akin iyon at akin naman iyong tiningnan.
"Paano mo ito nagawang itama sa loob ng ilang segundo lang?" Gulat na tanong ko sa kanya. Pinasagutan nya kasi ako ng ilang tanong na may kinalaman sa english. Ang sabi nya para daw iyon sa grammar ko.
Sumandal sya sa upuan nya at sumipol. "Baka nakakalimutan mo kung sino ang boyfriend mo, Amethyst?" Napalabi ako nang banggitin na naman nya ang salitang iyon.
Hindi na lang ako sumagot at tumingin na lang ako sa aking papel. Baka makita nya ang pamumula ko. Hindi namumula ang mga bato!
Paano naman kasing hindi mamumula kung hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na akin na sya?
"Sure ka bang hindi ka nagugutom?" Tanong ni parekoy kaya muli akong napalingon sa kanya. "Bilhan kita sa canteen, gusto mo?" Umayos sya ng upo at hinarap ang katawan sa akin.
"Ayos lang ako." Pagsabi ko ng totoo. Marami akong kinain kaninang agahan kasi. "Ikaw? Kumain ka, mahal na prinsipe. Sige ka baka mangayayat ka nyan." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang pasadahan ko ang buo nyang katawan. "Nakakainggit ang katawan mo." Napanguso ako. Nasa sekondarya pa lang ang isang 'to pero bakit ganito na kaganda ang katawan nya?
Tumawa sya nang mahina. "Bakit ka naman maiinggit? Sayo naman 'to eh." Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko nang birahan nya na naman ako ng banat. "Gutom ako pero gusto kong makasama ka."
Nanlaki ang mata ko. "Gutom ka pala bakit hindi mo agad sinabi?!" Mabilis kong inayos ang gamit ko at inilagay ko iyon sa aking bag. Akmang tatayo na sana ako nang hatakin nya ako muli upang umupo. "Mahaba pa ang oras ng recess natin, parekoy! Pwede pa tayong bumaba!"
Pero imbis na sagutin nya ako, lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Nanigas naman ako roon.
"I'm okay, Amethyst. Don't worry about me because I can manage." Patuloy ang pagbilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung paano iyon pababalikin sa normal. "Dito na lang tayo. Mas gusto kong masolo ka sa ganitong katahimik na lugar."
Napapalunok na nilibot ko ang mata sa kabuuan ng silid-aralan namin. Kaming dalawa lang ang tao rito dahil recess nga namin. Maging kahapon ay kami rin ni parekoy ang natira at dahil mapangbuyo nga ang mga kaklase ko, hinayaan nila kaming magsama rito.
Umubo ako matapos pakalmahin ang sarili. "Gusto mo ng mansanas?" Pag-alok ko. Kinuha ko ang mansanas sa aking bag at inilahad iyon sa harap nya. Bumaba ang tingin nya sa kamay ko. "Alam ko namang malakas ang mga kauri mo pero ayokong nagugutom ka habang kasama mo ako." Naiiling na tinanggap nya iyon habang nangingiti.
"Malinis 'to ah?"
"Aba'y oo naman! Kasing linis ko yang mansanas na yan 'no!"
"Kung ganon ay bulok na pala 'to?" Ngumisi sya sa akin. Matagal kong prinoseso sa utak ko ang sinabi nya at nung akmang sisigawan ko na sya ay nagsalita syang muli. "Joke, haha." Pagbawi nya sabay kagat sa mansanas.
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton
