Klyx's POV
"Ugh." Naiinis akong tumayo at humarap sa malaking salamin sa loob ng King's Chamber. "Mom, do I really need to wear this?" Nakakunot ang noong binalingan ko ng tingin ang reyna na busy sa kakaayos ng damit ni dad at katulad ko hindi rin maipinta ang mukha ng hari.
Sino ba naman kasing matinong lalaki ang magugustuhan ang ganitong klaseng damit? Ang kapal-kapal neto tapos ang haba! Wtf.
"Yes, Daemiel. Kailangan." Madiing sabi ni mom sa akin. Kanina pa rin kasi reklamo nang reklamo si dad at alam kong naririndi na sa amin si mom. "Isa kang elite kaya kailangan mong suotin yan. Ngayon lang naman eh. Sa Ashton High lang tayo maggaganito."
"Bakit sila Dein hindi naman nakaganito mamaya? Elite rin naman sila ah.."
"Bakit? Sila Dein ba ang anak ko? Aba kung ayaw mo sabihin mo lang. Itatakwil kita bilang anak ko."
Bumuntong hininga ako at umupo na lang sa isang couch malapit sa kanila. Pinagmamasdan ko silang mag-ayos. May mga maid na nakapwesto sa magkabilang gilid nila na may iba't ibang hawak na abubot para sa damit ni daddy.
Okay naman sana yung akin. Kulay puti syang makapal na parang coat. May mga abubot din sya pero hindi kasing-lala nung kay dad na sobrang dami talaga. I laughed at that thought.
Ayos na sana kung wala lang 'tong nakakainis na kapang suot ko ngayon. Kulay ginto ito at may mga balahibo sa bandang gilid. Ano ako? Wonder pets? Anakng. Bakit may pakapa pa kasi.
"Ayan, ayos ka na. Hihi. Upo ka na muna ron." Pinaupo ni mommy si dad sa tabi ko. Agad namang napairap si dad pero hindi na nagreklamo. "Ako naman ang mag-aayos ngayon! Hihi." Humarap si mom sa mga maid at kinausap ang mga ito para tulungan syang mag-ayos. Maganda ang susuotin ni mommy at talagang babagay sa kanya iyon. Bagay rin naman sana yung kay dad kaso nga lang masyadong maraming kaartehan yung kanya dahil nga sa hari sya.
"Ayos dad ah?" Tumingin ako kay dad na nakahalukipkip sa tabi ko. Sobrang kapal ng suot nya kaya mga isang dipa yung layo namin sa isa't isa. "Sobrang lamig ba?" Tinawanan ko sya sa suot nya. Sobrang kapal kasi talaga.
Inirapan nya ako. "Shut up bago ko pa makalimutang anak pala kita." Naiirita nyang hinawakan ang suot nya banda sa leeg at ginalaw-galaw iyon. "Fuck these clothes." Naiinis nyang bulong.
Humalakhak ako. "Ang gwapo mo nga sa suot mong yan dad eh. Dapat araw-arawin mo yan." Pang-aasar ko.
Sinamaan naman agad nya ako ng tingin. "Eh kung araw-arawin ko rin kaya ang pagtetraining mo? Gusto mo yon?" Banta nya.
Heck no. "Si daddy hindi mabiro."
Umirap lang sya sa akin bago tumingin kay mom na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa pagbibihis. "Hintayin mo, mag-susuot ka rin ng ganito sa coronation day mo." Sya naman ngayon ang ngumisi sa akin.
My eyes widened. Oh shit. I forgot about the coronation day! Ako nga pala ang susunod na magiging hari.
Heck no. Hindi mo ako mapapasuot ng ganyan. Bago pa ako maupo sa trono ngayon ni dad, tatanggalin ko na ang kaartehan na 'to. I should blame Tito Rio about these nonsense stuffs. Sya ang nagsuggest kay mommy na magganito rati. Sya rin ang nag-design ng suot naming lahat!
![](https://img.wattpad.com/cover/132526802-288-k549090.jpg)
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanficElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton