38: The Decision

539 22 3
                                        


Third Person's POV






Pasipol-sipol si Amethyst na naglalakad sa bayan. Sa 'di kalayuan, namataan nya ang land lady nila na hirap na hirap sa mga bitbit nito. "ALING AURING!" Tumakbo sya palapit dito. "Hayaan nyo pong tulungan ko kayo! Hindi po dapat pinapahirapan ang mga alaga! Hahahaha!" Kinuha nya ang ibang bitbit ng ginang.







Kumunot ang noo ni Aling Auring. "Ginagawa mo na naman akong aso, bato ah." Pakunwari'y pagtatampo nya. "Ikaw nga hindi kitang ginawang tae eh kahit mukha kang gano'n." At nagtawanan silang dalawa.







"Grabe naman, Aling Auring! Binaboy mo naman ang mga kauri ko!" Pakikipagbiruan nya pa. "Nag-iisa po yata kayo? Nasaan po ang asawa nyo?"







"Umalis lang saglit. Mamaya nandito na rin yon."







Sumunod si Amethyst sa likod ng ginang na sigeng nakikipagtawaran sa mga suki nya. "Magandang umaga, Aling Jana!" Bati ni bato sa tindera.







"Naku bato, alam ko na yang bati na yan." Kumuha ang ginang ng supot at naglagay ng limang pirasong peras sa loob. "Oh." Inabot nya ito kay Amethyst na agad namang tinanggap ng dalaga.







"KAYA MAHAL NA MAHAL KO KAYO, ALING JANA EH!" Tuwang-tuwang aniya. "Mas mahal ko nga kayo kesa sa kasama ko ngayon! Hahaha!"







"Baka gusto mong mapalayas sa tinitirhan mo, bato?" Pananakot ni Aling Auring.







"Biro lang, Aling Auring! Masyado kayong seryoso!"







Pagkatapos nilang bumili ng mga prutas ay dumiretso sila sa mga karne. "Ano bang masarap na ulam ngayon?"









"Aso, Aling Auring." Pagbibiro ni Amethyst at agad naman syang sinamaan ng tingin ng land lady nila. "Biro lang po! Ang nais ko po talagang sabihin ay manok." Pigil ang tawang pagpapatuloy nya.







Dumiretso sila sa suki nilang nagtitinda ng manok. "Lunes ngayon ah. Wala ka bang pasok?" Tanong ni Aling Auring sa kanya habang namimili ito ng magandang klase ng karne ng manok.







Lumapit si Amethyst sa ginang. "Ito maganda, Aling Auring." Pagturo nya sa isang grupo ng karne. "Meron po! Kaso hindi po ako pumasok."







"At bakit naman? Ikaw talagang bata ka, tinatamad ka na naman ba?"







"Naku, hindi po ah! Sipag sipag ko kaya!"







"Oh eh bakit hindi ka pumasok?"







"Uhmm, gusto ko po kasi kayong makausap!"







Nagtatakang tumingin sa kanya ang ginang. "Ako? Bakit ako?" Tinuro nya ang sarili. "Naku bato ah, wala akong utang sayo tigilan nyo ako ni tigre."







"HAHAHAHA! ANO BA YAN ALING AURING! PANIRA KA NG ENTRY!" Biro nya. "May itatanong lang po talaga ako sa inyo."







"Ano naman?"







"Pupunta po ako mamaya sa bahay nyo! Hehe."







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon