55: The Dare

568 28 5
                                        



Third Person's POV






"Oh basta kapag umubo ako ng isa ibig sabihin n'on letter A ah! Tapos kapag dalawa naman letter B!" Sigaw ni Pedro na nakatayo pa talaga sa mismong gitna ng classroom nila. "Pero syempre makakahalata n'on si ma'am kapag puro tayo ubo, kaya papasukan natin ng ibang technique! Kunyare mag-iinat o 'di kaya kamot-ulo gano'n! Pero senyasan na ng number saka letter! Hahahaha!"







Binatukan sya ni Jae at hinila paupo. "Napakabad influence mong loko ka!"







"H-hoy hindi ah! Tinutulungan ko lang sila! Nagmamagandang loob na nga ako eh!"







"Sila ba ang tinutulungan mo o yung sarili mo? Mga palusot mo, Pedro!" Sigaw ni Alea at natawa ang buong Class A.







"Palibhasa kasi ay bihasa na sa pangongopya eh. Tsk tsk." Sabi ni Zeny.







Napangiti si Amethyst habang pinapanood ang mga kaklase nyang naghahanda na para sa mamaya. Ang unang araw ng Agosto ay ang araw din ng exam nila. Medyo layo-layo na rin ang kanilang mga upuan at bawat isa ay may papel at ballpen nang nakahanda sa lamesa. Ang iba sa mga kaklase nya ay nagrereview, ang iba naman ay nagkekwentuhan at ang iba ay nag-iingay, katulad nang ginagawa ni Pedro kanina.







Tumingin si Amethyst sa kaliwa nya ngunit bakante iyon. Iyon kasi ang upuan ng prinsipe at dahil wala sya, wala syang katabi. Tumingin sya sa likod kung saan talaga nakaupo si tigre. "Uy tigre, kinakabahan ka ba?" Matamis syang ngumiti.







Huminto sa pagsusulat si Tiger at tiningnan sya. "Medyo. Balita ko kasi mahihirap ang mga tanong. Bakit?"







Mas lalong lumawak ang ngiti ni Amethyst. "Wala lang. Gusto ko lang sabihin na kapag may hindi ka masagutan na tanong, pwede mo akong tanungin ah? Tadyakan mo lang nang mahina 'tong upuan ko papakopyahin na kita." Kumindat si bato at mahinang humagikhik.







"Wooow. Taas ng confidence ah?" Natatawang sabi ni Tiger.







Umupo nang tuwid si Amethyst. "Naman! Malakas ang kutob ko na matataas ang makukuha kong marka ngayon! Ang prinsipe ba naman ang nagsilbi kong guro– sinong hindi mahihiyang ipasa yung pagsusulit diba? Hahaha!"







"AY ANG BATO MUKHANG READY AH!" Malakas na sigaw ni Agatha. "Ready-ing ready porke naturuan ng prinsipe! Kalurki ang luck mo gurl! Baka gusto mong mag-share?!" Natawa ang buong Class A.







"Alam mo na Amethyst ah? Simpleng inat lang sa gedli sabay bigay ng sagot gano'n!" Singit ni Pedro at agad naman syang piningot ni Alea sa tenga.







"OMGGGGGG! JUSKOLORD MAY ULAAAAM!" Napatingin silang lahat kay Santi nang malakas itong sumigaw. Nakatayo ito malapit sa pintuan. "OMGGGG! MALAPIT NA SYA SHEEET!" Mabilis itong lumapit sa pwesto ni Amethyst. Agad namang nagsitayuan ang mga babae at sumilip doon. Nagsitilian bigla ang mga ito at nagtatalon-talon pa.







"Magandang umaga, mahal na prinsipe! Aaaaah!"







"Ang gwapooooo! Sheeeet!"







"Mahal na prinsipe! Waaaaah!"







"Makakapasa na ko neto sa exam! Woooh!"







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon