1: The Family

2.3K 34 1
                                        

Third Person's POV




"Daemiel.. ayusin mo yan." Masama ang tingin ni Kate sa kanyang kapatid habang inginunguso ang isang babaeng umiiyak sa likuran nya.





Napabuntong-hininga si Klyx habang nakataas ang dalawang kamay na parang nagsusurrender. "Okay fine, my princess." Sinapak sya nang mahina ni Kate sa tyan at napaaray sya pero nakangiti.





"Hindi ka na bata, Daemiel ha!" Dinuduro-duro sya nito sa mukha bago lagpasan at pumasok sa loob ng palasyo.





"You too, Kate!" Natatawang sigaw nya pabalik sa kapatid pero hindi sya nito pinansin.





Kamot ang ulong nilingon nya ang babaeng hawak ng dalawang kawal sa magkabila nitong braso na nakaluhod sa harapan nya. "Let her go." Lumapit sya dito nang nakapamulsa at agad naman iyong pinakawalan ng dalawang kawal pero hindi sila umalis.





"H-humihingi ako ng paumanhin, mahal na p-prinsipe sa aking pagsugod.. p-pero kasi.. m-may.. may nais lamang akong itanong sa inyo.." Nauutal na sabi ng babaeng umiiyak. Sumingkit ang mata ni Klyx at pinakatitigan ang dalaga. Who is she again? Myla? Shane? Vivian? "M-minahal nyo po ba ako?"





Muntik nang matawa ng malakas si Klyx sa tinanong ng babae pero pinigilan nya ang sarili dahil baka mas lalo itong umiyak at marinig pa iyon ng mga magulang nya. "Ah, miss.." Nakamot nya ang batok.Tinulungan nya itong tumayo. "May mga tanong na sinasagot at meron ding hindi. Sa tanong mo, doon tayo sa pangalawa. Kung ipagpipilitan mo pa kasi ay masasaktan ka lang."





"P-please.. sagutin mo lang.." Napahagulhol ang babae. "Kahit i-iyon lang.."





Lumayo si Klyx at pinakatitigang mabuti ang babae. "Alam mo ba kung bakit ko ginawa ang larong iyon?" Sumeryoso ang mukha ni Klyx. Tumango ang babae, napangisi sya. "Hindi.. hindi mo alam ang dahilan. Kasi kung alam mo, hindi ka dapat nandidito." Sinenyasan nya ang dalawang kawal na kunin ang babae. "Ingatan nyo sya. Siguraduhin nyong makakauwi sya ng maayos sa pamilya nya."





Klyx Daemiel Ashton.. the prince and the president. Isa syang prinsipe ng bansang Lambord, ang pinamumunuan ng kanyang ama. At isang presidente sa kanilang paaralan, ang Ashton High, ang kanyang pinamumunuan.





Sa Pilipinas lang merong Ashton High pero gumawa ang ama nya sa sariling bansa. May sarili nga rin silang base at grudge.





Prince Klyx created a game. A game where is no one exempted.





"DAEMIEEEEEEEEEEEEL!" Nagulantang si Klyx sa sigaw na narinig at agad na napatakbo sa loob ng palasyo. Nakita nyang nagpupuyos sa galit si Kate na nakatayo sa gitna ng living room.





"Ano na namang ginawa ko sayo?" Lumapit sya dito at tinuro ni Kate ang mga spongebob stuff toys nya na nakalagay sa isang trash can. "Nasa labas ako kanina! Baka ako na naman sisihin mo!" Tanggi nya agad.





"Nakakainis ka naman eh!" Naiinis na napapadyak si Kate. "PALITAN MO YAN! PALITAN MOOOO!" Napatakip sa tenga nya si Klyx dahil sa tinis ng boses ng kanyang kapatid. May mga yabag silang narinig na parang nagmamadali.





"Kate? Klyx? Anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong ni Kath pagkababa sa hagdan. Maging ang mga maids ay napatakbo din papuntang living room sa lakas ng boses ni Kate. "What happened?" Nasa likod ng mommy nila ang daddy nilang si Daniel na prenteng-prente lang na naglalakad papalapit.





Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon