Amethyst's POV
Ang sama ni Tiger! Huhu. Bukod sa nanglalapa na, nang-iiwan pa! Grabehan! Dapat ba yon ha? Dapat ba yon? Huhu.
Alam ko namang parehas kaming puyat kagabi dahil nga sa pagbisita ng mahal na prinsipe pero tama ba na hindi nya ako gisingin bago sya umalis? Ang samaaaaa! Bakit ganon?
Sa totoo lang maaga pa rin naman ngayon sadyang mas maaga lang pumasok si tigre at nag-iwan naman sya sa akin ng sulat. Ang nakalagay pa nga roon ay ganito.
'Uhm, hehe hi impakta! Magandang umaga! Mauuna na ako sayo ah? Isasabay na sana kita kaso ang himbing-himbing ng tulog mo. Nahihiya naman akong paghintayin yung taong nagsundo sa akin. Hehe. May taga-sundo na ako impakta! Sya yung boyfriend ko ngayon. Huwag kang mag-alala makikilala mo rin sya. Oh sya, iwas bobita babae ah? Bye! Mahal ka ng animal mong kaibigan! Mwuah!'
Ilang ulit ko pa syang binasa kasi wala akong maintindihan bukod sa animal mong kaibigan. Eh kasi nga bangag ako ngayon! Huhu. Sinong hindi mababangag kung puyat na puyat ka tapos maaga kang nagising?
Pagkababa ko sa jeep ay dumiretso na ako papasok sa loob ng paaralan. "Magandang umaga po, manong! Hindi pa naman ako huli, hindi po ba?" Tanong ko kay kuyang guard.
Tumawa sya bago tumango. Nagpasalamat ako bago patakbong pumasok sa loob.
Nakita ko yung oras sa malaking telebisyon na nakadikit sa taas ng gitnang gusali ng Ashton High. Ang laki-laki non kaya kahit nasa malayo pa ako ay kitang-kita ko.
Hoo! Buti naman hindi pa ako huli!
Napagdesisyunan kong sumadya muna sa banyo para maghilamos kasi hindi ko nagawa yun sa bahay sa pag-aakalang huli na ako. At isa pa, may libreng sabon don eh. Hehe. Wala kasing gumagamit sayang naman. Alam nyo naman dito, puro mayayaman kaya ganon.
Tatlong babae ang nadatnan ko sa banyo pagkapasok ko. Napahinto sila sa paglalagay ng kolorete nila sa mukha at tumingin sa akin. Lahat sila nakataas ang isang kilay kaya naiilang akong ngumiti.
Nahiya kasi ako sa hindi pantay na kilay ni ate. Hehe. Shh lang kayo ah! Mukhang kilay is layp pa naman sya! Hahaha.
Dumiretso ako sa lababo at kumuha ng isang sabon sa gilid non. Narinig ko silang napatikhim.
"Ew girls.. wala ba silang soap sa house nila?" Maarteng sabi ng isa. Ay grabe sya! Meron naman 'no! Nakalimutan ko lang talagang maghilamos!
"Omg! I know her! Sya yung babaeng nasa bayan kahapon! Sya yung kinulong ng prinsipe eh." Sabi ng isa pa.
"Really?"
Nanlaki ang mata ko bago nagpatuloy sa panghihilamos. Hala! Hala! Paano nila nalaman? Juskooo! Yung kahihiyan ko! Umabot hanggang dito!
Nakayuko lang ako habang patuloy na binabasa ang aking mukha. Kinakabahan na ako rito mga parekoy! Sobra-sobrang kahihiyan ang ginawa ko kahapon!
Nagulat ako nang mabasa ang buhok ko at nanggaling ang tubig sa aking likuran. Nanatili akong nakayuko habang nakatingin sa buhok kong nakatabing sa aking mukha at pinapanood ang pagdausdos ng tubig mula roon.
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton
