Amethyst's POV
"You're not okay." Nanatili akong tulala. Sinubukan kong tingnan si Cari pero lumabo ang imahe nya sa akin dahil sa nanunubig kong mga mata. "Amethyst."
Agad kong pinunasan ang mga mata ko. Humakbang ako paatras upang magkaespasyo sa pagitan namin. "A-ah.. pasensya na," Sinubukan kong ngumiti kahit ang hirap. Kahit ang sakit sakit na. "Salamat sayo, C-cari." Gumaralgal ang boses ko pero pilit kong pinigilan ang sarili kong umiyak. Huwag ngayon, huwag dito.
Mataman nya akong tinitigan. Dahil do'n nagkaroon ako ng pagkakataon na pakalmahin ang sarili ko.
"Teka, paano mo nga pala–" Nahinto ako sa pagsasalita nang kunin nya ang kamay ko at tingnan ang aking braso. Napalunok ako habang nakatingin kaming dalawa kung paano umagos ang dugo roon.
Nagulat ako nang tapalan nya iyon bigla ng panyo. Hindi ako nagsalita at pinanood lang sya. "Painful?" Walang karea-reaksyon na tanong nya ngunit iba ang naging dating n'on sa'kin.
Napayuko ako at hinayaan sya sa ginagawa nya. "S-sobra.." Mahinang usal ko at naramdaman ko syang napatigil.
"Don't hold it." Napatingin ako sa kanya. "Cry here, Amethyst. You can cry in front of me."
Wala ano ano'y napaiyak ako. Hindi lang basta iyak kundi hagulgol. Naitakip ko ang aking mga kamay sa aking mukha. Alam kong nakatingin si Cari. Alam kong nanonood lang sya ro'n at naghihintay. Nakita na nya yung kahinaan ko..
Sa totoo lang, nakakapagod na.
***
Nakatingin lang ako sa ibaba upang maiwasang makita ang nag-aalalang mukha ni tigre.
"Nasundan ka ba? Sinaktan ka ba nila nang malala? Nalaman ba nila na dito ka nakatira? Nakilala mo ba kung sino-sino yon?" Napabuntong-hininga ako nang mahimigan ang pagkadesperada sa boses nya. "Ano, bato? Sumagot ka naman oh!" Napapikit ako ng mariin nang sumigaw sya.
"Ligtas ako, tigre." Pinilit kong maging mahinahon. Tumingin ako sa kanya. Gusto kong maiyak nang makita ang sakit sa mga mata nya pero tinatagan ko ang loob ko. Hindi sa lahat ng oras magpapakahina ako. "Huwag ka nang mag-alala sa'kin."
"Paanong hindi ako mag-aalala, bato?" Naupo sya sa harapan ko. "Nakikita mo ba ang sarili mo? Kagagaling mo lang sa sakit pero may panibago ka na namang sugat!"
Nahawakan ko ang sugat ko banda sa braso. Ngayon ko lang ulit naramdamam ang sakit n'on nung binanggit iyon ni tigre. Mukhang naging manhid ako nang panandalian.
Ngumiti ako sa kanya. "Hindi naman ito malalim eh.."
"So porke hindi malalim hindi mo na papansinin? Hihintayin mo pa bang mapatay ka bato para alalahanin mo naman yung sarili mo?!" Sa tana ng buhay ko, ngayon lang sumigaw nang ganito sa akin si tigre. Palagi syang mahinahon kaya alam ko na sa pagkakataong ito, inis na inis na sya sa akin.
"Shhh. Marami ng tulog, tigre. Huwag ka namang sumigaw," Sinubukan ko syang patawanin pero seryosong-seryoso talaga sya ngayon. Napabuntong-hininga ako. "Sorry na nga eh.."

BINABASA MO ANG
Game of Love
FanficElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton