40: The New

501 24 6
                                        




Amethyst's POV






"Gusto mo bang halikan pa kita para tumigil ka?" Lumaki ang mata ko.







Umawang ang labi ko nang mawala ang malaking espasyo sa pagitan namin at makita ang dibdib nya na sobrang lapit na sa akin.







H-hindi na ako makahinga. Hindi ko na maramdaman ang sarili ko hanggang sa..







"AAAAAAAAAH!" Mabilis akong natumba at napaupo sa sahig. Sa sobrang kaba ko hindi lang dila ko ang namumulupot, pati ang mga paa ko.







"Pfft.. Hahaha." Nag-angat ako ng tingin kay parekoy nang marinig ko ang tawa nya. "Stupid. Hahaha!" Nakahawak pa sya sa tyan nya habang tumatawa.







Napasimangot ako at ang pakiramdam na nararamdaman ko kanina ay biglang naglaho. "Napakasama talaga ng ugali mo!" Grabe sya! Imbis na tulungan ako o 'di kaya'y alalahanin pinagtawanan nya lang ako! Napakasama. "Ang sama ng ugali mo para sa isang prinsipe!" Reklamo ko bago tumayo. Pero syempre sinigurado ko na malalayo ako ng kaonti sa kanya pagtayo ko.







Tumigil sya sa pagtawa at umayos ng tayo. "Unique lang ako." Pinasadahan nya ako ng tingin. "Hindi ka naman nagkasugat. Wala akong dapat alalahanin."







Bumuntong-hininga ako. "Bakit ka nga nandito?" Gabi na kaya! Hindi nya ba alam ang oras kaya nandidito sya para tanungin ako?







Hindi nya ako sinagot. "Bakit hindi ka pumapasok?" Umurong ang dila ko sa naging tanong nya. Nalaman nya agad.







"M-may.." Anong idadahilan ko? Naku po. Bato, isiiiip! "SAKIT!" Napapitik ako sa hangin sa naisip ko. "Oo! May sakit kasi ako ngayon.. h-hehe.." Dahan-dahan kong binaba ang kamay ko nang makita ang mukha nya na parang hindi ako pinaniniwalaan.







Masyado bang halata?







"Sakit mo mukha mo." Umirap sya. "Natatakot ka ba dahil sa nangyari sayo nung byernes?" Tumahimik ako at hinayaan ko lang syang magsalita.







Nililimitahan ko ang sarili ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at umamin ako sa kanya agad dito. Hindi ito ang tamang lugar at ang tamang oras.







Bumuntong-hininga sya. "Sabihin mo lang kung natatakot ka," Ayan na naman yung titig nya eh.. ayan na naman. Sinong hindi mahuhulog sa mga titig mo, parekoy? "Sabihin mo lang, papasok ako para sayo." Papasok sya para sa akin.. puchang larong yan.







Ngumiti na lang ako. "Hindi na uy! Kaya ko ang sarili ko. Bato yata 'tong kaharap mo?" Bato ako pero pagdating sayo lumalambot ako. Pambihira ka, parekoy. "Bukas papasok na ako. May ginagawa kasi ako rito sa bahay." Ngumiti ako sa kanya para paniwalain sya. Hindi ko naman mabasa ang iniisip nya dahil sa blangko nyang ekspresyon pero hindi naman sya galit.







Tumalikod sya sa akin para kunin ang paper bag na nakapatong sa upuan namin na kauri ni Tiger. May ganon pala ron?! Ba't ngayon ko lang nakita?! O baka naman kase dala nya, bato. "Oh." Inabot nya sa akin iyon at nagtataka ko naman iyong tinanggap.







"Ano 'to, parekoy?" Tiningnan ko ang loob. "Pagkain?" Tiningnan ko sya.







"Oo, pagkain yan. Try mong kainin ah?" Bakit parang sarkastiko yon? "Phone yan. Uso kasing buksan."







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon