Third Person's POV
Kumatok ng dalawang beses si Kate bago pumasok sa loob ng kwarto ng kanyang kapatid. "Sasabay ka ba sa amin?" Nakauniform na ito ng uniporme ng Ashton High. Since isa iyong maharlikang paaralan, may kagarbohan ang uniporme nila lalo na sa babae. {Multimedia} Longsleeve na puti at coat naman ang kasuotan ng lalaki sa pang-itaas habang sa pang-ibaba ay slacks na black. Bawat uniporme ay may nakatatak na korona sa kaliwang dibdib. Simbolo iyon ng hari at maharlika.
Maharlika man kung tawagin, ang paaralan nila ay bukas maging sa mga hindi ganoon kayaman.
Umiling si Klyx habang sinusuot ang kanyang coat. "I'll go for myself." He said while showing his car's key.
Kate just shrugged. "Pangatlong araw na ito simula nung magpasukan.. nakailang girlfriend ka na agad?"
"Isa pa lang Kate." Inirapan nya ang kapatid. Tinutukoy ang huling babaeng sumugod sa mansyon kahapon. "Alam mo namang hindi ako madalas pumapatol sa kanila. Kung hindi dare, naawa lang ako kaya ko sila ginagawang girlfriend." Totoo. Wala pang babae ang inaya mismo ng prinsipe na maging kasintahan nya. Madalas kasi sya ang inaaya. Karamihan sa kababaihan ay natatakot na ring makipaglaro kay Klyx, kasi alam nilang hindi sila mananalo dito. Para silang sumugod sa isang gahiganteng kalaban na walang dalang kahit anong armas. "Isa pa, hindi naman lahat nang sumusugod dito sa palasyo ay naging girlfriend ko talaga. Assumera lang ang iba sa kanila. Porke tinulungan ko sila may meaning na agad? Ang kikitid ng mga utak." Pagtukoy nya sa ibang babaeng tinulungan nya sa bayan na sumusugod din sa palasyo. Hindi nya mawari kung nakikisabay lamang ba ang mga ito sa uso o sadyang trip lang sya eh.
Tinawanan lang sya ni Kate.
Kaya minsan ayaw ni Klyx na maging mabait at tumulong nang tumulong dahil karamihan ng tinutulungan nya ay namimisunderstood ang ginagawa nyang kabutihan.
"Sa larong ginawa mo, dinadasal ko na sana dumating ang pagkakataon na ikaw naman ang matalo. Dumating na agad sana ang karma mo, kapatid." Nakangiwing ani Kate.
"Karma? Tsk. Matagal na akong aware ron, Kate. Kaya nga ngayon palang pinaghahandaan ko na." Hinawakan nya sa magkabilang braso ang kapatid at pinihit paharap sa pinto. "Umalis ka na nga. Ang panget mo."
"Paano ba yan sayo ako nagmana eh?" Natatawang sabi ni Kate. Pinagsarhan nya ito ng pinto at natawa na lang nang marinig nya ang matinis na boses nito sa labas.
Bilang presidente sa paaralan, tungkulin nyang mapanatili ang kagandahan non. Kaya madalas ay mas maaga sya kung pumasok sa school. Hindi na sya sumabay sa breakfast kasama sina Kate at Keylux,ang mga magulang nya ay nasa Pilipinas pa rin. Nagpaalam lang sya sa mga ito at nauna nang umalis. Habang nagdadrive, nadaanan nya ang bayan. Ang masaganang bayan ng Lambord.
Hininto nya ang kanyang sasakyan sa isang tabi. Lumabas sya at lumapit sa isang ale na bigat na bigat sa dala nitong isang basket ng mansanas. "Nay, hayaan nyo pong tulungan ko kayo." Ngumiti sya dito bago kunin ang dinadala.
Nagulat ang matanda at agad na nagbigay galang sa mahal na prinsipe. "A-ang prinsipe! Ipagpaumanhin nyo pong hindi ko kayo nakita agad!" Napangiwi si Klyx sa lakas ng boses ng matanda. At sa lakas non, paniguradong narinig yon ng iba.
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton
