Third Person's POV
Alas-dose na ng gabi nang makauwi si Klyx sa palasyo. Idinaan pa kasi nila si Drex sa Hearthstone at pinuntahan nya pa ang reyna sa SGO at kinausap nya pa si Master S at ang mga tito nya roon.
Tahimik na ang buong palasyo pagkapasok nya. Hindi na nya nagawang batiin pabalik ang mga kawal na nasa labas dahil sa sobrang pag-iisip sa nabasa nya kanina.
"Kuya," Nabalik sa ulirat si Klyx nang may humarang sa daan nya. Tumingin sya rito. "Finally, you're here." Itinigil nya ang pagpapaikot sa kanyang susi.
"Keylux?" Lumuhod sya para makita ng maayos ang mukha ng kapatid. Nakapatay na kasi ang lahat ng ilaw sa unang palapag. Nagulat si Klyx nang makita ang mukha ni Keylux. "Why are you still awake? Hindi ka ba makatulog?" Binuhat nya ito papuntang elevator. Buhat-buhat nya pa rin si Keylux hanggang sa makarating sila sa pangalawang palapag. Bukas pa ang lahat ng ilaw roon kaya maayos silang nakapunta sa sala. Napangiti si Klyx nang maramdaman ang presensya ng tahanan nila.
Ipinwesto nya si Keylux sa tabi nya. "I'm actually sleepy, kuya." Saka lang nahalata ni Klyx na mapungay na ang mga mata ng kapatid ngayong nasa maliwanag na sila.
"Kung inaantok ka na, bakit hindi ka pa natutulog?" Mas lalo syang nagtaka. Nakabihis na ito ng pantulog at mukhang handang-handa nang matulog.
Humikab si Keylux at marahang kinusot ang mga mata. "I'm waiting for you, kuya."
"Why? Is there a problem?"
"I'm going to sleep with you." Nagulat sya sa sinabi ng kapatid. "Is that okay?"
Si Keylux yung tipo ng tao na hindi nakakatulog kapag may katabi. Hindi talaga sya nakakatulog kahit na sabihin nating ang reyna o 'di kaya ang hari na ang katabi nya. Kaya palaging bukod ang kwarto nito kapag umaalis sila. Kaya ganon na lang ang gulat ni Klyx nang humiling ng ganito ang kanyang bunsong kapatid.
"We all know that you can't fall asleep when you have someone beside you, Kash." Kumunot ang noo ni Klyx. "May nangyari bang masama sa kwarto mo?" He asked curiously.
"Ate Marga is in there." Keylux answered. "She's sleeping on my bed."
"Marga?" Tumango si Keylux. "Anong ginagawa nya ro'n? Sira ba ang guest room?"
Nagkibit-balikat si Keylux. "I don't also know what exactly happened. I wasn't here awhile ago because I was there at SGO with mom. I just found Ate Marga already sleeping on my bed when I was about to rest. I can't wake her up because that's rude so I decided to let her sleep on my bed just for tonight."
Ngayon ay naiintindihan na ni Klyx kung bakit mukhang pagod na pagod ang kanyang kapatid. Nagtraining na naman kasi ito. "Lasing ba sya?" Takang tanong ni Klyx sa sarili.
"She's too young to get drunk kuya, ofcourse not." Pagsagot bigla ni Keylux.
Ngumiti sya rito at ginulo ang buhok nito. "I was just joking." Nagcross arms sya habang nakikipagbrain storm sa kapatid na lalaki. "Curious lang ako."

BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton