48: The Heartstring

542 26 7
                                        



Tiger's POV






Nakatulala lang ako sa blangkong pisara ng aming silid-aralan. Nalulungkot ako at ramdam ko ang pangingilid ng aking luha. Lumingon ako sa katabi kong upuan na ngayon ay blangko. Bato..







Nag-aalala ako sa kaibigan ko. Nag-aalala ako sa kanya ng sobra sobra pero kalmado ang pakiramdam ko. Naiiyak pa rin ako sa tuwing naiisip ko ang nangyari kahapon ngunit kalmado ang loob ko dahil alam kong nasa mabuti syang kalagayan ngayon.







Mabuting-mabuti pa nga.







"H-hindi ka naman siguro pinapabayaan ng p-prinsipe diba?" Napapalunok na tanong ko sa upuan ni bato na para bang sasagot iyon. 







Sa totoo lang bato, gusto kitang sugurin sa palasyo para makita ko kung okay ka na ba. Gusto ka naming puntahan ni Nanay Miring dahil sobra kaming nag-aalala. Pero malaki ang tiwala ko sa kanya. Malaking-malaki.







Literal na napatalon ako sa aking upuan nang may isang matinis na tunog akong narinig. Batid kong narinig iyon sa buong school dahil nagmula ang tunog na iyon sa Audio Visula Room. May magbobroadcast.







"Goodmorning, Ashton High's students." Pinakinggan ko ang nagsasalita. "I just want to remind those students who are still in their room, move faster and go down here!" Nanlaki ang mata ko at dagliang napatayo.







Inilibot ko ang paningin sa buong room at wala sa sariling napalo ang sariling noo.







Anak ka ng kagang.. ako na lang ang mag-isa rito!







G-gaano ba ako kahaba na napatulala para hindi ko mapansing wala na akong kasama rito sa loob?







Aish. Aga-aga tigre, ang bangag mo na.







Bangag.. Muli akong nangulila. Bato. Namimiss na kita.







Mabilis kong inayos ang sarili at lumabas ng room. Pagkasara ko ng pinto ay ang syang pagsulpot ng isang bulto ng lalaki sa aking harapan. Agad naman akong napaatras nang makita ko kung sino iyon.







"M-mahal na prinsipe.." Nauutal, nagugulat at kinakabahang naibulalas ko!







Napatitig ako sa mukha ni Klyx. Matapos nung pagpapakita nya sa amin kahapon ay hindi ko na sya muling nakita pa. Hanggang ngayon..hindi ko pa rin makalimutan ang mukha nyang galit na galit na nakikipagsumbatan sa pinsan nya. Ibang-ibang Klyx ang nakita ko kahapon sa pagkatao nya. Ibang-iba.. dahilan para ganito na lang ako kung matakot sa kanya ngayon.







Wala syang emosyong nakatingin sa akin ngayon. Hindi ko mawari kung masaya sya o galit na ewan. Kinakabahan ako.







"P-patawad, mahal na p-prinsipe.. bababa na po talaga ako–"







"Si Amethyst.." Napahinto ako sa pagsasalita sa naging turan nya.







"H-ho?" Nagugulat kong tanong.







"Tsk. Yung bato mong kaibigan." Ngumiwi sya. Ngayon ko lang napansin na hindi sya nakasuot ng uniporme namin. Bagkus ay isang simpleng pants at black na v-neck shirt lang ang kanyang suot. "Sa tingin ko ay okay na sya."







Game of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon