60: The Moments

543 26 5
                                        



Amethyst's POV







Batid kong namula ang gilid ng aking mga mata nang makita kung paano bitawan ni parekoy ang kamay ko. Gusto kong maiyak lalo na nung makita kong nagbago ang ekspresyon sa mga mata nya.







Galit sya..







G-galit sya. Galit sya sa akin ngayon. Hindi ko nagawang makakilos dahil natatakot ako. Natatakot ako sa susunod na mangyayari. Natatakot ako– ang hirap.







"P-parekoy–" Biglang may bumagsak na luha sa mga mata ko. Tiningnan ko sya at hindi pa rin nagbabago ang emosyon nya. Sinubukan kong lumapit pero napahinto ako nang makita kung gaano sya kaseryosong nakatitig sa akin. "P-parekoy.. k-kasi.." Hindi ko matuloy ang aking balak sabihin nang sunod-sunod akong napaluha. Napayuko ako. Parekoy, patawad.







"Teka," Napahinto ako sa pag-iyak nang marinig syang tumawa nang pagak. "Oy, bakit ka umiiyak?" Nanigas ako nang bigla nya akong hawakan sa pisngi at pinahid ang mga luha ko. Napatingin ako sa mga mata nya habang sya ay abala sa pagpahid ng mga luha ko na patuloy pa rin sa pag-agos.







A-anong.. "P-parekoy.." Mahinang usal ko dala ng gulat.







Muli na naman syang tumawa nang mahina bago ngumiti sa akin. Inalis nya ang pagkakahawak sa pisngi ko. "Ginulat mo naman ako. Bakit ka ba kasi biglang umiyak?" A-anong.. bakit.. akala ko.. "Tinanong lang naman kita kung bakit ka nagsinungaling sa akin." Hinawakan nya ang kanang kamay ko at iniangat iyon. Binuksan nya ang palad ko at pinakita sa akin ang sugat ko roon na nakuha ko kahapon sa tindahan ni nanay. "Sabi mo kasi okay ka lang, pero ano 'to?"







Napakurap ako. "P-parekoy kasi–"









"Ano? Sasabihin mo na naman sa aking okay ka? Tsk." Pinitik nya ako sa noo. Dahan-dahan kong hinawakan iyon. Ang tibok ng puso ko ay nanatiling mabagal. "Magsisinungaling ka na naman. Tingnan mo nga, may sugat ka. Paano ka magiging okay kung may sugat ka ha?" Pangaral nya. "Sandali lang, gagamutin ko yan."







Tumayo sya at nagsimulang maghanap ng mga gagamitin nya. Pinanood ko lang sya hanggang sa makaupo na ulit sya sa harapan ko. Muli nyang kinuha ang kamay ko at sinimulang gamutin ang sugat ko roon.







Tinitigan ko ang mukha ni parekoy. Maaliwalas na ulit ang mukha nya, malayong-layong sa mukha nya kanina na kinakatakutan ko. Wala sa sariling napangiti ako. Totoo ba 'to? Hindi ba sya galit sa akin? Wala ba syang alam?







"Tss. Huwag mo akong titigan. Masyado mo namang pinapahalata sa akin na mahal na mahal mo ako." Bigla ay biro nya. Oo nga, bato. Bumalik na sya sa dating sya.







Pinanumbalik ko ang dating ako kahit na nanginginig pa rin ako sa kaba at takot. Ngumuso ako nang tumingin sya sa akin. "Kasalanan mo yun. Masyado ka kasing gwapo, parekoy." Biro ko rin na ikinatawa nya.







"Marami nang nagsasabi sa aking gwapo pero bakit iba ang pakiramdam kapag sa bibig mo mismo nagmula?" Sabay kaming napangiti sa sinabi nyang iyon. Bumalik ulit sya sa paggagamot ng sugat ko. Nang matapos ay maingat nya iyong hinawakan. Bumuntong-hininga sya bago ako tapunan ng tingin. "Sabi ko naman sayo na ingatan mo ang sarili mo, Amethyst. Hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo ako." Nag-aalalang paalala nya.







Game of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon