Third Person's POV
Tumilapon bigla ang lumang pintuan ng bodegang iyon bago pa muling mahampas nina Aling Aira ang walang kalaban-laban na si Amethyst. Tumama iyon sa pader na nakagawa ng malakas na ingay bago nagkandapira-piraso sa sahig.
Napahinto sa balak na gagawin ang mag-ina at nagugulat na tumingin sa pintuan. "P-paanong–!" Hindi natuloy ni Aling Aira ang pagsigaw nang pumasok ang taong gumawa n'on.
Sabay silang napanganga ng anak. Napaluhod si Irene at napaatras naman ang ginang. "P-prince Klyx.." Nanginginig sa takot na banggit nilang dalawa.
Dire-diretsong naglakad si Klyx papunta sa pwetso nila habang nililibot ang mata sa paligid. "Mamili naman kayo ng magandang lugar para paglagyan ng mga dudukutin nyo." Payo nya sa mag-ina. Wala syang emosyon ngunit ramdam na ramdam ang kanyang galit.
"A-ano pong.." Hindi na nagawa pang makapagtanong ni Irene sa prinsipe. Napatingin sya kay Amethyst na para bang nasagot no'n ang tanong na nasa kanyang isip.
"M-mahal na p-prinsipe, a-ano.. p-paano pong–" Napatili ang mag-ina sa gulat nang sipain ni Klyx ang nakaharang na kahoy na hugis kahon. Namutla sila sa katotohanang muntik na silang matamaan n'on.
Ang walang buhay na tingin ng prinsipe ay gumala sa kabuuan ng bodega. "Basura." Panlalait ni Klyx sa lugar bago hugutin ang baril na dala nya sa kanyang bulsa. Mas lalong natakot ang mag-ina habang nakatitig sa baril na iyon. Tumingin si Klyx sa kanila. "Katulad nyo, basura." Mahigpit na hinawakan ni Klyx ang baril. Nagtitimpi lang sya kahit kanina nya pa gustong saktan ang mga ito.
Tumama ang tingin ni Klyx kay Amethyst na hinang-hinang nakahiga sa sahig. Panandaliang lumalam ang titig nya ngunit bumalik din iyon sa dati. Lumapit sya at kinuha ang kahoy na nabitawan kanina ni Irene.
"Ito ba ang ginamit nyong panghampas sa kanya?" Kinilatis nya ang kahoy. "Matigas ah." Lumapit sya sa dalawa. Mahina nyang hinahampas ang kahoy sa kanyang kamay.
Nanginig sa takot si Aling Aira. "P-prinsipe.."
Mariing napalunok si Amethyst habang nanonood. Pakiramdam nya, nawalan sya ng laway at kakayahang makapagsalita. Ibang-iba si Klyx ngayon sa parekoy na nakilala nya. Ngayon nya napatunayan sa sarili nya na hindi basta-basta ang pamilya ng maharlika.
Pinatunog ni Klyx ang kanyang leeg. "Masakit kaya 'to? Sa tingin nyo?" Huminto sya sa paglalakad at tiningnan ang dalagang nakaluhod sa kanyang harap. Sinamaan nya ng tingin si Irene na hindi makagalaw sa kinalalagyan sa sobrang takot. "Masubukan nga." Wala silang nagawa dahil naging mabilis ang pangyayari. Biglang napahiga si Irene sa lakas nang pagkakahampas sa kanya ng prinsipe sa braso.
"AAAAAAAAHHHHHHH!" Namilipit si Irene sa sobrang sakit. Napahiga sya at agad na dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. "A-AAAAHHH!"
Napaupo si Amethyst at gulat na gulat na tumingin sa likod ni Klyx. Hindi sya makapaniwala sa ginawa nito. Panandalian syang naestatwa dahil maging sya ay natakot. "P-parekoy.."
Napasigaw sa iyak si Aling Aira bago alalayan si Irene na halos mabaliw na sa sakit ng kanyang braso. "M-mahal na p-prinsipe?! B-bakit nyo naman po gin–"
![](https://img.wattpad.com/cover/132526802-288-k549090.jpg)
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanficElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton