Amethyst's POV
Sinundan ko ng tingin si Tiger. "Anong sabe? Wala raw talagang pasok?"
"Oo eh.."
"Hala! Sayang naman 'tong uniporme naten! Lalabhan na naman tuloy." Nanghihinayang na sabi ko. Sinong hindi manghihinayang diba? Ang hirap kayang maglaba. Bakit naman kasi walang pasok?
"Sa uniporme ka pa talaga nanghinayang ah?" Nakangising sabi ni Tiger. "Sa uniporme pa.. kesa sa matututunan sana natin ngayon." Oops! Hala lagot!
Nanlaki ang mata ko. "Syempre charot charot lang yon, tigre. Gusto ko kayang matuto!" Gusto ko talaga mga kaparekoy! Ayaw lang talaga ng utak ko! May sarili yatang isip ang katawan at ang utak ko eh. Ayaw na lang nilang magsanib pwersa, pucha.
Ako tuloy yung nahihirapan. Sanay naman ako eh. De ayos lang.
Naglakad kami ni tigre patungong labasan. Wala na ngang pasok diba syempre uwian na. Marami kaming nakakasalubong na estudyante na tila nanghihinayang. Mayayaman ang mga estudyante rito kaya hindi ko alam kung bakit sila nanghihinayang eh may tagalaba naman sila. Bakit kaya?
Kakapasok lang namin sa school nang biglang mag-broadcast (taray broadcast) yung Dean namin na si Sir Drex na kansel ang pasok. Pumunta si tigre sa opisina nya kanina kase may kinuha sya roon.
"Yan na ba yung kinuha mo? Andami nyan ah! Balak mo bang kainin? Pengeee!" Ang dami nyang papel na hawak. Mukha ngang masasarap eh.
"Impakta hindi nakakain 'to!" Sigaw nya sa akin. Haluuuh. Hindi ba yon nakakain? Kinakain ko kaya dati yun! Hahaha. "Pinapagawa sa akin 'to ni Sir Drex. Madali lang naman kaya keri ko na. Syempre kailangang masipag tayo rito."
"Bakit daw ba walang pasok?"
"Meeting na naman eh."
Meeting? "Pagpupulong tagalog non diba! Diba, tigreee?" Shems, pakiramdam ko talaga ang talino ko na! Hahaha.
"Hanep ah? Gumagana na ang utak!" Naks! Hanep talaga ni utak! Nakikisama na. "May meeting sila ngayon pero kasama na yung Primes. I think tungkol sa pagbisita ng hari at reyna ang pag-uusapan nila eh. Hindi ako sigurado." Nagkibit-balikat sya.
Napapalakpak ako sa tuwa. "Seryoso?! Pupunta dito ang hari't reyna?!" Halaaa! Hala! Makikita ko na sila sa personal! Yiiieeee! I'm so blushed and exited!
Shems, tama ba ang english ko?
Ay nako! Bahala na!
"Hindi ako sigurado eh. Wag ka munang umasa." Nawala ang ngiti ko at napasimangot. Aruy naman. Pati ba naman mga hayop paasa na rin ngayon?
Charot. Hahaha.
Malapa pa ako ni tigre.
"Hmm!" Humarap ako sa kanya. "Sige na tigre, mauna ka nang umuwi ah! Aalis muna ako! Baka mamayang tanghali pa siguro ako makakauwi sa bahay. Pagtirhan mo na lang ako ng mansanas." Paalam ko. Baket ba. Sagana kami sa mansanas eh. Saka sa sobrang yaman namin ni tigre, tatlong beses sa isang buwan lang kami nakakakain ng kanin saka lutong ulam.
BINABASA MO ANG
Game of Love
FanfictionElite Series # 2 (Salvador-Ashton) "Love is a game, are you willing to play?" - Klyx Daemiel Ashton
