65: The Tears

741 36 27
                                        

The long wait is over! (Prepare your heart)






(Play the music "Huling Sandali")






Amethyst's POV






"Who are you?" Nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha. Ramdam na ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko sa sobrang kaba. Lalo na nung magsimula syang magtanong.







Hindi ako makapagsalita. Takot na takot akong nakatingin sa bunganga ng baril nya na nakatutok pa rin sa akin. Hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko dahil pakiramdam ko sa oras na igalaw ko iyon ay bigla na lang akong mapapaupo sa lapag sa sobrang panghihina.







Dumoble ang kaba ko nang muli syang magsalita. "I am asking you." Sunod-sunod akong napaluha nang magtama ang mga paningin namin. Napasakit tingnan ng seryoso nyang mga titig. Hindi ako sanay. Kahit kailan hindi ako masasanay. "Who are you, Amethyst?" Matigas nyang pagtatanong.







Naibuka ko ang aking bibig ngunit walang boses na lumabas doon. Napahawak ako sa aking dibdib dahil  hindi ko na kaya ang kirot na dulot n'on. Napipi ako habang nakatingin sa kanya. Nagmumukha na akong tanga dahil hindi ko man lang magawang makapagsalita.







"Sobrang hirap ba ng tanong ko para hindi mo magawang sagutin?" Nakakapanghina ang titig sa akin ni parekoy na noon ay punong-puno ng pagmamahal. Nakakapanghina ang malamig nyang boses na para bang ipinaparamdam n'on na hindi na ako espesyal. "Gusto mo bang isalin ko pa sa tagalog para lamang maunawaan mo?" Hindi ko na alam kung pang-iinsulto ba iyong sinabi nya o ano. Basta ang alam ko lang, punong-puno ng hinanakit ang buo nyang pagkatao.







Naiintindihan ko. Kasi kasalanan ko rin naman.







Napaiyak ako sa aking mga palad. Hindi ko napigilang humikbi sa sobrang sakit ng puso ko. "P-patawad.." Ang tanging naiusal ko.







"Wala akong tinanong sayo na patawad ang sagot, Amethyst." Bumaba ang paningin ko sa kamay nya. Kitang-kita ko kung paano nya higpitan ang paghawak sa baril. Para bang pinapahiwatig n'on na gigil na gigil na syang kalabitin iyon ngunit pinipigilan nya lang dahil wala pa syang nakukuhang matinong sagot sa akin. "Huwag mo na akong pagmukhaing tanga ulit."







Seryoso ang mukha nya.. pero ramdam ko.. ramdam ko ang hinanakit sa boses nya habang sya ay nagbibitiw ng mga salita. Isa lang ang ibig sabihin no'n..







Kilala na nya ako.







Kahit nangangatog ay pinilit kong tumayo nang tuwid. Kahit sobra akong natatakot ay pinilit kong salubungin ang mga titig nya. Kahit hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak, pinilit kong magsalita.







"H-hindi.." Dahil sa sobrang pag-iyak ay nahihirapan akong magsalita. "Hindi ako pwedeng m-magsalita, parekoy.. hindi ko kaya.. hindi kita kayang sagutin.. p-patawad.." Napayuko ako matapos iyon sabihin.







Gusto kong sumigaw sa sobrang galit sa sarili ko. Naiinis ako dahil hanggang ngayon ay napakaduwag ko pa rin para ibahagi ang kwento ko sa iba. Napakaduwag ko na maging sa kanya na mahal ko ay hindi ko magawa.







Narinig ko ang pagtawa ni parekoy nang sarkastiko. "Hindi ka pwedeng magsalita?" Bumalik ulit agad sya sa pagiging seryoso. "Oh, e, anong gusto mong gawin natin ngayon? Magtitigan?" Ang sarkasmo nya.







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon