50: The Weakness

600 26 4
                                        





Amethyst's POV






"Eh?! May kaarawan ba?" Binigyan ko ng nagtatakang tingin si parekoy na katabi ko habang sinisilip yung mga tao sa labas ng kotse nya. "Haha! Anong meron at nagawang makapaghanda ng ganito kabongga ng mga tao rito? Eh mga kuripot kaya kami!"







Namamangha kong pinagmasdan ang buong street na tinitirhan ko. May mga banderitas ito sa itaas, nagkalat din ang mga christmas lights sa gilid na nakabukas na kahit umaga palang. May sobrang habang mesa sa gitna at talaga nga namang punong-puno iyon ng mga handa. Hindi pa natatapos dahil may kung ano ano pang kaechosan sa paligid. Kung titingnan ay para itong pinaghalong pyesta at may kaarawan. Eh? Baka kaarawan ko ngayon pero 'di ko lang alam?







"They do these for you." Doon ko gulat na nilingon si parekoy. Nagtatanggal na sya nung ano ba yon, seatbelt ba tawag do'n? Basta yung nakaharang sa napakaganda nyang katawan.







Dumoble ang gulat ko nang lumapit sya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kumabog ang puso ko habang pinagmamasdan syang papasunggab palapit. "H-ha?" Utal kong tanong. Anong ginagawa nya?







Kumunot ang noo nya nang mga ilang hibla na lang ang layo namin sa isa't isa. Bigla na lang syang umirap sa akin kasabay nang pagngisi nya at bago pa sya makalayo ay naramdaman ko nang may lumuwag sa parte ng katawan ko. Napatingin ako roon nang makaalis na sya sa aking harap. Tinanggal nya lang pala yung seatbelt ko! Akala ko hahalikan– este may kung ano syang masamang balak sa akin!







"That celebration is for you." Hindi ko na magawang tingnan si parekoy matapos no'n dahil hindi mawala ang lintek na ngisi sa mukha nya. Huhu, kahihiyan. "You look dissapointed.." Dahan-dahan nyang ani. Lalo akong napayuko at wala sa sariling napanguso. English english na naman sya! Eh hindi ko nga maintindihan! "Do you want me to kiss you?" Nagwala ang buong pagkatao ko nang silipin nya ako mula sa ibaba!







Nailayo ko tuloy ang ulo ko sa sobrang lapit nya. "K-kanina ka pa english nang english ah! H-hindi ko maintindihan!"







Nawala ang ngisi nya at napapamaang na lumayo sa akin. "I can't believe you." Hindi talaga sya makapaniwala. "Tss. Sayang yung banat kong yon." Tila nanghihinayang syang tumingin sa harap.







Kinalabit ko sya. Nakanguso nya akong binalingan. Napangiti ako sa itsura nya. "Nagugutom na ako, parekoy.. tinatawag ako ng mga pagkain do'n." Gamit ang nguso ay tinuro ko ang mga pagkain na nasa labas. "Hehe.. tara na? Mukhang may chibugan dito baka hindi na ako makasingit mamaya eh." Kamot-ulo kong pag-aaya.







Umirap sya. Bumabalik na naman ang pagiging masungit nya. "Para sayo ang handaang iyan, ba't ka mauubusan?"







"Ha?" Pinalipat-lipat ko ang tingin sa kanya at sa mga pagkain. "Anong para sa akin? " Bukod sa malaparaisong nasa harapan ko ay wala na akong makitang ibang tao roon.







Pero hindi nya ako sinagot, bigla syang bumaba. Nagulat pa ako nung pagbuksan nya ako ng pinto ng kanyang kotse. Nahiya naman ako kasi ang prinsipe pa ang gumawa no'n! Dapat ako yung gumagawa no'n kasi sya yung maharlika sa aming dalawa. "S-salamat.." Ngumiti ako sa kanya at ginantihan nya rin iyon ng ngiti. "P-pero diba dapat ako yung gumagawa nito? H-hehe.. ikaw yung maharlika sa ating dalawa kaya dapat ikaw yung pinagsisilbihan." Sinara nya yung pintuan at nakapamulsang humarap sa akin.







Game of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon