57: The Hug

553 26 12
                                        



Amethyst's POV





Malawak ang ngiting sinulyapan ko ang Primes pagkarating namin sa paradahan ng mga kotse nila. Alasyete na rin ng gabi at karamihan sa mga estudyante ay mapayapa nang nakauwi at may ngiti pa sa mga labi.







Magkakatabi sa gilid sina Kazumi, Chester at Jythe habang magkakatabi rin sa isang gilid sina Zyl, Seren at Kate. Sina Dein at Tiger naman ay malapit sa amin ni parekoy.







"Sobrang saya palang magpaparty rito, pare! Ang dami pa lang magaganda rito sa Ashton High!" Sigaw ni Chester. "Sayang! Karamihan sa mga nasayaw ko kanina hindi ko naging girlfriend sa laro ni Klyx eh!" Nagkamot sya ng ulo.







"Tigang ka talagang bugok ka!" Binatukan sya ni Kazumi.







Nanlaki ang mata ni Chester habang nakahawak sa ulo nya. "Aba't siraulong 'to– HOY BUGOK LUMABAS KA DYAN!" Sinipa ni Chester ang kotse ni Kazumi dahil bigla na lang itong kumaripas papasok doon.







Natawa ako nang lumabas ang ulo ni Kazumi sa bintana ng kotse nya upang dilaan lamang si Chester na asar na asar na naghihintay sa kanya sa labas. "Neknek mo!" Sabay sara nito ng bintana. "BYE GUYSSSS! KITA NA LANG TAYO BUKAAAS!" Rinig pa naming sigaw nya bago iyon tuluyang magsara at umalis.







"HOY GAGO! KITA NA LANG TAYO SA SGO HAYOP KA!" Banas na banas na sigaw ni Chester sa papalayong kotse ni Kazumi.







Natawa kaming lahat. Hahaha! Si Kazumi at Chester, mukhang may lahi ng aso at pusa. Palaging magkaaway eh! Hayy. Buti pa ang mga kauri ko, mababait. Kita mo nga sa sobrang bait ay hindi na nagsasalita!







Lumapit si Jythe kay Chester at inakbayan ito. "Tama na yan, 'tol. Huwag nang kumunot ang noo dahil nasisira ang pinaretoke mo." Tatawa-tawa nyang pang-aasar dito bago kami kawayan at pumasok din sa loob ng kotse nya.







Hindi makapaniwalang sinundan sya ng tingin ni Chester. "King*nang mga gunggong 'to." Nanggagalaiti nyang saad bago pumasok din sa kanyang kotse.







Pinanood namin ang pag-alis ng mga kotse nila. "Kita mo 'tong mga 'to, hindi man lang nagpaalam." Naiiling na sabi ni Dein.







"Ganyan talaga siguro kapag panget." Sabi ni Seren. Ngumiti sya nang makita ako at binigyan ako ng yakap. Gano'n din ang ginawa nya kay Tiger. "Grabe ang gaganda nyo talaga ngayon. Iba talaga ang powers ni Tita Genemy." Nakangiting usal nya.







Malakas akong natawa. "Nasa lahi na siguro yan, Seren. Magaganda ang mga kauri ko eh!" Pagmamalaki ko.







Nakita kong umiling si tigre. "Nasa lahi na rin talaga ninyo ang pagiging makapal ang mukha." Tinawanan nila akong lahat sa sinabi nya.







Naramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Kate. "Naging advantage naman sa kanya iyon. Kita mo, natalo nya 'to?" Tinuro nya si parekoy na nasa tabi ko. Tinaasan sya ng kilay ng kapatid nya ngunit tinawanan nya lang ito. Si Kate napakatapang talaga! Hindi ba sya natatakot sa titig ni parekoy? "Oh bakit may angal ka, kuya? Itatanggi mo ha? Itatanggi mo?" Asar nya pa.







"Malamang sa malamang hindi." Nakangising ani Zyl bago tumingin sa akin. "Si Amethyst ba naman ang naging premyo." Namula ako sa sinabi nya. Sinulyapan ko si parekoy ngunit ngumuso lang sya. Halatang sinasakyan nya lang ang biro ng mga kaharap namin.







Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon