Pagkatapos ng tawag, napasigaw ako ng "yes!" Kaya napatingin silang lahat sakin. Akward..
May tumatawag ulit. Sino kaya?? Unknown number daw..
"Sagutin ko lang ha?" Sabi ko sa kanila.
"Sige" sabi nila.
"Hello?"
"Is this miss Yuri?"
"Yes? Who's this?"
"It's the receptionist of Lotto Hotel. Pinadala na po lahat ng gamit nyo sa 'new appartment'"
"Po? Bakit?? Nagbayad naman ako diba? So, what's the problem?"
Ano nangyayare dito?!
"Tumawag po ang manager ng sm ent. sabi po ililipat kayo sa new appartment nyo."
"Huh?--"
Call ended. Saan ako lilipat? Agad agad?
"Hay ano ba to?" Sabi ko.
"Bakit daw?" Tanong ni Chen.
"Ililipat daw ako ng manager ng sm ent. sa new appartment."
"Ano?!" Sabi nilang lahat,
"Nag audition ka?" Tanong ni Xiumin
"Oo. Bakit?"
"Edi ikaw yung new member namin?.." Tanong ni Sehun
"New member?!" Sabi ko.
"Oo. Kulang kasi ng isa samin. Sabi ng manager namin, ang unang makapasa sa audition, lalake man o babae, ay matatanggap as new member ng Exo" sabi ni Suho.
"Ganun ba.." Sabi ko.
"Wait guys, so it means kasama natin sya sa 'appartement' natin?!" Tanong ni Baekhyun.
"Sa a-appartment nyo?! " Sabi ko.
"Oo. Pero 6 lang ang mga room. Pumili ka na ng room-mate." Sabi ni Suho.
Ang dali naman sabihin yan para sa kanila. Babae ako hoy.
"Room-mate?! Babae't lalake sa iisang kwarto? Wait lng huh? Dun nlng ako sa sofa ok?!" Sabi ko.
"Hahaha. Wag ka mag alala Yuri. Mabait kaming lahat" sabi ni Luhan.
"Haha kaya nga" sabi naman ni Kai.
"Oo na.." Sabi ko.
"So sino ba pipiliin mo?" Tanong ulit ni Suho.
"Hindi ko alam. Kayo nalang mag decide" sabi ko.
"Ganto nalang. Isusulat namin mga pangalan namin sa madaming papel. Kung sino mabunot mo yung ang magiging room mate mo. Ok?" Sabi ni Lay.
"Ok.." Sabi ko.
Pagkatapos isulat ang mga pangalan nila, bumunot ako ng isang papel, binuksan ko.
"Si.. baekhyun?" Sabi ko.
"Huh?! Ulitin mo!" Sabi ni Baekhyun.
"Haha bro wag ka maarte." Sabi ni Tao.
"Tara na. Ipapakita pa natin yung place kay Yuri" sabi ni Sehun.
Dumating na kami sa place. Ang laki. Tapos ang ganda pa ng apartment nila.
"Ayusin mo na mga gamit mo yuri" sabi ni Suho.
"Sige." Sabi ko.
"Nandun yung kwarto mo" sabi ni Suho.
Pumunta ako sa kwarto , pagkabukas ko.. Ang gulo! Hindi ata nag aayos ng mga gamit si Baekhyun.
"Gusto mo ng tulong?" Sabi ni Chen.
"Ahm o-oo. Ang gulo talaga.." Sabi ko.
"Edi dun ka sa ibang room, wala naman pumipilit sayo ah haha" sabi ni Baekhyun.
"Bakit ba ang sungit sungit mo?" Sabi ko sa kanya.
"Bakit ba ang sungit sungit mo? Nye nye nye" sabi ni Baekhyun. Ginagaya nya ako -.-
Hindi ko nalang sya pinansin, nag ayos na lang ako ng gamit ko kasama si Chen. Hay buti nalang mabait sila.. Si Baekhyun lang ata ang masungit .
"Wag ka mag alala Yuri, ganyan talaga si Baekhyun pag bagong kilala. Pero mahilig yan mang-asar kahit kanino." Sabi bigla ni Chen.
"Ah? Ah .. Ganun ba.. " sabi ko.
Pagkatapos namin mag ayos, pumunta kami sa living room. Andun sina Sehun, Tao, Lay, D.O, at Baekhyun. Sina Sehun,Tao at Baekhyun nanonood ng tv habang nag kukulitan, habang si Lay at D.O. Nasa kitchen, nag luluto ng dinner. Tulungan ko kaya sila?
"Can i help?" Sabi ko habang naka smile.
"Hmm? oh wag na nakakahiya sayo. Kami na dito" sabi ni Lay.
"Huh? Ako nga dapat nahihiya eh.. Ayoko maging pabigat kaya gusto ko makatulong kahit pa-paano" sabi ko.
"Sure ka?" Sabi ni D.O.
"Oo, ako na dito. Dun na kayo sa living room, mag pahinga nalang kayo." Sabi ko sa kanila.
"Ganun ba. Sige sige, salamat" sabi nilang dalawa.
Pagkatapos magluto, dinala ko mga plato sa table, kung saan andun na silang lahat. Bago kumain, may tumawag sa phone (ng bahay) .
"Ako na!" Sigaw ni Suho.
Pagkatapos makausap ni Suho yung tumawag sabi nya: "guys may pinapagawa si sir Lee bukas! Gigising tayo ng 5 am . Madami tayo gagawin bukas."
Ano kaya?
--
Keep reading pleasee :)
Vote? Comment? Share? Pleaseeeee haha

BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?