Andito kami sa bus, may humahawak sa binti ko. Kinakapa nya pataas sa skirt. Sinabi ko kay Luhan kasi hindi ko maalis yung kamay. Sobrang sikip kaya hindi ako makagalaw.
"Gago to." Sabi ni Luhan ng nakababa (parang malapit na sa nakaluhod) sabay hawak sa kamay na humahawak sakin.
Tumayo na sya habang hawak hawak yung kamay at tininnan kung sino.
"Hoy ano ginagawa mo?! Bitawan mo ang kamay ko!" May isang lalaking sumigaw.
"Bakit nyo po binabastos girlfriend ko? Rumespeto po kayo sa mga babae sir" sabi ni Luhan.
Narinig ng mga tao sa bus ang sinabi ni Luhan kaya tinitinnan nila yung lalaki.
"Aba.. Walang respeto ang batang to.." Sabi ng isang matanda.
"Tanga" sabi naman ng isang lalaki.
Pinag uusapan na sya ng mga tao sa paligid namin.
"Wag mo ako pakialaman" sabi ng lalaki sabay baba sa bus habang namumula.
"Sorry hindi kita naipagtangol ng maayos, hindi kasi ako pwedeng gumawa ng issue at gulo.. " sabi ni Luhan sakin.
"Ok lang yun.. Salamat. " humawak na ulit ako sa braso nya hanggang sa makadating na kami.
"Wow ang ganda" ang laki ng fun park, andaming magagawa dito.
"Saan tayo magsisimula?" Tanong ni Chanyeol.
"Mag bayad muna tayo ng entrance haha" sabi ni Lay.
Pagkatapos namin mag bayad pumasok na kami.
"Mag hiwalay tayong lahat, mga grupo grupo" sabi ni Chanyeol.
"Dun ako pupunta sa mga roller coaster, sino sasama sakin?" Sabi ni Chen.
"Ako!" Sabi ni Baekhyun, Kyunsoo, Sehun, Yuri at Chanyeol.
"Hindi ba tayo sasama Luhan?" Tanong ko.
"Ahm.. Hindi. Dun nalang tayo" sabi ni Luhan sabay turo sa mga games.
"Hay.. Ayan ka nanaman. Wag ka kasi matakot, mataas yan pero hindi ka naman mahuhulog dyan" sabi ko.
Nag pa alam na yung iba, kaya natira kaming dalawa, kasi iniwan rin kami ng hindi pupunta sa roller coaster. Naglalakad kami sa street ng fun park nung tumigil ako sa isang 'tindahan'.
"Laro tayo dito Lu!" Sabi ko habang hinihila sya.
Nag bayad ako at kinuha yung 'baril', kailangan ko makatama ng 5 cups para makakuha ng prize.
*bang!* wala akong natamaan. Sinubukan ko ulit at wala pa rin, hanggang sa maubos yung laman nito. Tumingin ako kay Luhan ng naka puppy eyes, at agad naman nya naintindihan. Nag bayad sya at kinuha yung 'baril'.
*Bang!* nakatama na sya ng isa. Wow.. Ang galing :) sunod sunod na nya pinatumba yung mga cups kaya pinapili sya ng prize. Tumingin sya sakin.
"Hmmm. That one" sabi ko ng nakangiti sabay turo.
Inabot sakin ni Luhan yung malaking bear at nag lakad ulit.
"Salamat" sabi ko na parang batang nabigyan ng candy.
"Wala yun" sabi nya sabay wink.
Sa mga time na to kinilig talaga ako haha. Sa sobrang laki ng bear (halos kasing laki ko) hindi ako makalakad ng ayos, at tsaka medyo basa yung ground kaya nadulas ako, kala ko nga papatak na ako na parang tanga pero.. Hindi. Nakuha nya ako. Nagkatitigan kami ng ilang seconds at itinayo ulit ako.
"Salamat Lu" sabi ko sa kanya ng nakatingin sa baba.
"Ok lang, mag ingat ka kasi" sabi nya ng nakangiti din.
"Wah! Bili tayo nun Jee!" Biglang sabi nya.
Napatingin ako sa direction na tinitinnan nya, ah kaya pala. Mga sari sari.. Mga cap, bonnets, shoes.
Pagdating namin sa harap ng tindahan agad nya isinukat ang isang bonnet na parang panda.
"ok lang?" Tanong nya habang inaayos.
"Ok lang.. Pero diba madami ka nang ganyan?" Sabi ko.
"Oo nga pero.."
"Di bale, bagay naman sayo eh" sabi ko habang nakangiti. Napangiti rin sya.
Bigla syang lumapit at..
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?