Bigla nalang nag vibrate cp ko. Sino kaya? Si Baekhyun?? Bakit kaya..?
"Sagutin ko lang ha?" Sabi ko kay Jeehyun habang hawak hawak ko yung cellphone na nagrring. Tumango lang sya.
"Hello?"
"Hello Yuri? Ahm.. Susunduin ka daw namin mamaya." Sabi ni Baekhyun.
"Pati si Jeehyun ah!" Dagdag ni Luhan. Ang ingay nila grabe.
"Anong oras?"tanong ko.
"'Mga 8:45 pm" sigaw ni Tao sa kabilang linya.
"Ah. Sige. Ingat kayo ah? Bye na" napangiti ako ng walang malay habang ibinaba ko yung cellphone sa table.
"Ano sabi nila?" Tanong ni Jeehyun.
"Susunduin daw nila tayo mamayang 8:45" sabi ko habang ibinababa ang baso kung saan ako uminom. Anong oras na ba? Ahm..
"Jeehyun anong oras na?" Tanong ko sa kanya.
"Tinnan mo" sabi nya habang nag aayos ng buhok. Anyare? Biglang nag sungit? Haha.. May naalala tuloy ako..
"Ahm sige.." Sagot ko . Tininnan ko yung oras sa cellphone ko: 8:35 pm.
Kaya ba sya ganyan kasi parating na si Luhan? Hahahaha.
"Mag ayos ka na din para kay Kai hahaha" sabi niJeehyun habang tinitinnan nya sarili nya sa mini-mirror nya.
"Ayoko nga haha" sabi ko. Pagkatapos namin magbayad nagintay kami ng 2minutes bago sila makadating.
As usual, van ang sasakyan namin. Binati namin silang lahat at sumakay na. Sina Jeehyun, Luhan, D.O. at Xiumim nasa harap namin ni Kai, Baekhyun at Tao, habang sina Sehun, Lay, Suho, Chanyeol, Chen nasa likod namin. And as usual maingay ang lahat, pati narin ako haha, except for Baekhyun na naka tingin sa labas ng "window". Bakit kaya? Hindi naman sya ganyan ah.. May nangyare? Tatanungin ko na sana sya pero kinausap ako ni Chanyeol.
"Hui Yuri, musta ka na? Haha" tanong nya sakin habang nakaharap sya sakin.
"Ok lang naman. Ikaw? Nakakain na kayo diba?" Sabi ko sa kanya habang pasilip silip kay Baekhyun. Nasa gitna kasi ako ni Chanyeol at Kai, habang di Baekhyun nasa dulo katabi si Chanyeol.
"Oo. Ok lang naman. Nag enjoy kayo?" Tanong nya habang nakatingin pa sakin.
"Oo haha nag kwentuhan kami ng mga... Ahm secret! Haha" sabi ko sa kanya. Napatingin bigla si Jeehyun samin, at tumingin din sya kay Kai tapos sakin. Buti nalang hindi naintindihan ni Chanyeol haha. Dumating narin kami makalipas mga 5minutes. Ay nakalimutan ko kausapin si Baekhyun. Asan kaya yun? Hinahanap ko sya pero hindi ko sya makita.
"Jeehyun nakita mo ba si Baekhyun?" Tanong ko sa kanya.
"Huh? Hindi.. Anyway, kausapin mo na si Kai!" Sigaw nya.
"Hui! Wag ka sumigaw! Ano ba? Haha. Dyan ka na nga kay Luhan." Sabi ko habang nag hahanap pa. Baka nakapasok na dya sa loob ng bahay.. Mapuntahan ko nga. Bubuksan ko na sana yung pinto nung nabangga ako ni..?
"Huh? Ay sorry Yuri!" Tininnan ko sya. Ah si Kai pala.
"Ahm ok lang Kai. " sabi ko.
"Pasaan ka? Nandyan silang lahat sa labas ng bahay ah."
"Ahm ilalagay ko lang yung bag ko sa kwarto.." Sabi ko habang pumasok.
"Ah sige sige.." Sabi nya habang lumabas. Dali dali ako pumunta sa kwarto "namin" . Pumasok ako dahan dahan, at nakita ko si Baekhyun na nakahiga sa kama nya.
"Hui.. Bakit ka nandyan?" Tanong ko sa kanya, habang dahandahan lumalapit sa kanya.
"Wag ka lumapit." Sabi nya sakin.
"May.. May sakit kaba?" Tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot, tumalikod pa sya. Hinawakan ko yung noo nya. Mainit sya..
"Sabi ko sayo wag ka lumapit. Ang kulit mo." Sabi nya sakin habang nakatalikod pa. Tumayo ako at umalis sa kwarto. Pumunta ako sa bathroom at binasa ko ang maliit na towel na kinuha ko. Nabasa ko nang konti ang sahig.. Ops haha. Lalabas na sana ako para pumunta ulit sa kwarto, kaso nadulas ako, at nauntog ang ulo ko sa lababo.. May kumakatok ata sa pinto.. Sino kaya? Ay wait tatayo muna ako..
--
Hii :D hope you liked this chapter. Please keep reading. :)
BINABASA MO ANG
An unexpected life (EXO)
RomanceI didnt expect to live with these guys.. Im in korea to find my "lost" father, so how did i end up with them?